Ibinahagi ng isang netizen na si Nongying Chuaibamrung mula sa bansang Thailand ang kwento ng isang taxi driver na naka-oxygen habang ito ay nagmamaneho.
Ayon sa Facebook post ni Nongying ay napansin niyang may kausap sa cellphone ang driver ng sinasakyan niyang taxi pauwi sa kanilang bahay habang ito ay nagmamaneho. Napansin din niya na napakabagal ng pag andar ng kaniyang nasakyang taxi na halos 40km/h lamang.
Kahit medyo naiinis ay hinayaan nalamang daw ni Nongying ang driver sa ginagawa nito ay pinili na lamang niyang kumalma. Ngunit maya-maya daw ay ibinaba na ng driver ang hawak nitong cellphone at bigla siyang kinausap.
Naki-usap daw ang driver kay Nongying na icheck ang tangke ng oxygen na nasa likod ng upuan ng driver kung mayroon pa itong bubbles.
Dahil doon ay na-curious na si Nongying kung bakit ito may dala-dalang tangke ng oxygen at sinimulan na nga niyang makipag kwentuhan dito.
Ang taxi driver ay kinilala bilang si Sumeth Singpun na 49 anyos na nagtitiis sa ibat-ibang karamdaman katulad nalang ng s4kit nito sa kidney na kinakailangan ng dialysis. Malabo na din daw ang mga mata ni Sumeth kung kaya ay mabagal itong magpatakbo.
Ngunit sa kabila ng lahat ng pinagdadaanan ni Sumeth sa buhay ay hindi ito nagrereklamo bagkus ay patuloy parin na naghahanap-buhay upang may isuporta sa kaniyang sarili.
Dahil sa nasaksihan ay humanga si Nongying sa determinasyon ni Sumeth kung kaya ay ibinahagi niya ang kwento nito sa kaniyang Facebook Account upang magbakasakali na may mga taong mahabag at matuwa sa kwento ni Sumeth at mag abot ng tulong para sa karamdaman nito.
Ayon pa kay Nongying ay mag-isa na lamang daw sa buhay si Sumeth. Ang kinikita daw nito sa pamamasada ng taxi ay sapat lamang upang may ibili ng pagkain at pambayad sa kwartong inuupahan nito.
Sa bansang Thailand ay mayroong allowance na 800 Thai Baht(P1,250) para sa mga PWD kada buwan. Ito ay tulong para sa kanila upang may ibili ng gamot at iba pang pangangailangan.
"He lives in Ayutthaya by himself. He has to pay the rent. No work, No money. Money for disabled people is also not enough for treatment. So need to hire a taxi to drive." pahayag ni Nongying.
Mayroon naman daw isang anak si Sumeth ngunit matagal na daw itong hindi bumibisita sa kaniya. Sa malamang daw ay hindi nito alam ang karamdaman ng kaniyang ama dahil tila ay pinabayaan na nito si Sumeth.
"He has a son. He never came to take care of him. He cried out. I could only talk to comfort him. When we arrived home, I got out of the car and paid the car fare and helped him with a small amount of money because I only had that with me. I also told him that I want to take his story on facebook. He also gave me his ID card to take a photo. But it was so dark, but I took it anyway. Besides the photo, its not clear. I only got the phone number." dagdag pa ni Nongying.
Mabilis naman na nagviral ang post na ito ni Nongying na umabot na sa 48k reactions at 73k shares.
Post a Comment