Ang bawat magulang ay malaki ang tiwala sa mga guro pag dating sa kanilang mga anak. Naniniwala ang mga magulang na maayos at masigla ang kanilang mga anak mula sa pagpasok at maging sa pag labas ng kanilang mga anak sa klase.
Patuloy na pinag-uusapan ang isang viral na post kung saan ay parang isang malaking bangungot ang naging karanasan ng isang pamilya ng batang di umano ay sin4ktan ng kaniyang sariling guro sa klase.
Malungkot na ibinahagi ni Yolly Tilar sa kaniyang post ang sinapit ng kaniyang apo na paulit-ulit umanong pinalo ng guro nito ang kaniyang apo.
Nagulat na lamang daw sila ng bigla nalamang nagsusuka ang kaniyang apo pag-uwi galing sa paaralan at dumadaing na sumasakit ang ulo at ito ay nilalagnat.
"Nakakalungkot na may mga guro na ganito mahilig manakit ng estudyante nila."
"Maging babala sa lahat itong ginawa sa apo ko pinalo ng guro sa ulo. Pag-uwi ng bata galing school ayan na nagsusuka at umiiyak na sa sobrang sakit ng ulo at nilalagnat." pagbabahagi ni Yolly.
Makikita din sa mga larawang ibinahagi ni Yolly sa kaniyang post na tila ay matamlay nga ang bata habang ito ay nakasakay sa wheelchair. May mga larawan din na nagpapakita na isasalang ang bata sa CT Scan.
Hinaing naman ni Yolly na lola ng bata na kung bakit kailangan pang saktan ng guro ang kaniyang apo, pwede naman umano siguro nitong kausapin nalang ng maayos ang kaniyang apo at kung talaga naman na may nagawang kasalanan ito bakit pa kinailangang sa ulo pa nito paluin pwede naman sa pwet ng nalang ng bata.
Narito naman ang buong post ni Yolly Tilar:
"Nakakalungkot na may mga guro na ganito mahilig manakit ng estudyante nila."
"Maging babala sa lahat itong ginawa sa apo ko pinalo ng guro sa ulo. Pag-uwi ng bata galing school ayan na nagsusuka at umiiyak na sa sobrang sakit ng ulo at nilalagnat."
"Ang nangyari, ngayon nag mamakaawa ka na patawarin kayo hindi dapat kayo na mamalo sa ulo dapat kung may nagawa man ang mga estudyante niyo huwag kayo mamalo sa ulo."
"Anong nangyari bakit pinalo sa ulo pwede naman sa puwet kung talagang may nagawang kasalanan ang bata o kaya pwede naman kausapin ng maayos hindi iyong mananakit kayo kaagad at sa ulo pa, at hindi lang isang palo ginawa niyo tatlong ulit pa talaga."
"Wala kang awa na guro ka tapos iiyak kayo ngayon para maawa sayo ano drama lang sabihin libangan lang hindi ka nararapat na maging isang guro. Ang magulang nga bawal ng manakit sa kanilang mga anak pero ikaw ang lakas ng loob mo???"
"Alam ko mabait na bata iyang apo ko kasi inaalagaan ko rin yan pag makulit ipapakita ko lang yong naka sabit na tatlong piraso ng walis ting-ting alam niya na yan tahimik na yan sa isang tabi kaya madali lang yan pag sabihan."
"Sana tuluyan ka ng gumaling JC miss na kita."
Isa lamang ito sa mga usaping kinasasangkutan ng mga guro ngayon na tila ay dumadami ang mga magulang na nagrereklamo na sinasabing pinapahya ang kanilang mga anak at sinasaktan. Nawa ay mabigyan pansin ito ng mga ahensya ng gobyerno ng matuldukan na ang ganitong mga pangyayari sa loob ng paaralan.
Post a Comment