Anak ng magsasaka tinanggap ng Harvard University sa Amerika para doon mag kolehiyo

Anak ng magsasaka tinanggap ng Harvard University sa Amerika para doon mag kolehiyo

Anak ng magsasaka tinanggap ng Harvard University sa Amerika para doon mag kolehiyo

Karamihan satin alam na ang Harvard University ang isa sa pinakasikat at isa sa may pinaka mahal na tuition sa buong mundo, kung ikaw ay matatanggap dito ay siguradong napakalaking prebilehiyo nito dahil mataas ang pamantayan sa Harvard. Maraming mga kilalang tao ngayon sa buong mundo ang nanggaling sa eskwelahan na ito at isa na dito ang dating US president na si Barack Obama, Natalie Portman, John F. Kennedy, Bill Gates at iba pa.

Ilan sa mga sinasabi ng mga ito ay lahat ng bata sa mundo ay may karapatan magkaron ng sapat na edukasyon at babagay sa panahon ngayon, dahil sa kahirapan sa buhay ang mga bata ngayon ay hindi nakakakuha ng angkop na edukasyon. Pero kung ikaw naman ay may likas na katalinuhan at nagsisipag na husto makakatanggap ka ng pagpapala at makakatulong ito para makamit mo ang mga pangarap mo sa buhay.

Katulad na lang ng mga halimbawa ay si Romnick "Rom: L. Blanco. Isang estudyanteng Pinoy na binigyan ng pagkakataon na makapagaral sa Harvard University.

Kahit maraming iba pang mga Pilipino ang may kakayahan para matustusan ang pagaaral sa Harvard, si Rom blanco ay iba, dahil isa siyang anak ng napakamapagkumbabang Pinoy.

Si Rom ay pang 7 sa 9 na anak ng isang magsasaka sa Sierra Madre. Bilang isang magaaral, dumadaan si Rom sa mahaba at mahirap na daanan papunta sa landas ng kanyang pinagaaralan.

Tumatawid si Rom sa mga ilog na walang mga tulay upang makapapunta lamang sa eskwelahan, walang maayos na kalsada sa kanila kaya wala siyang pagpipilian kundi dito dumaan. 

Ang kanyang mga pinagdaanan sa pagpasok pa lamang sa pagaaral ay nagbunga ang lahat dahil noong 2011 siya ay naging scholar sa isang non-government org. at tinatawag itong GreenEarth heritage foundation at ito ay nagtataguyod ng sustainable development ng agriculture. 

Noong nakaraang taon, tinanggap ni Harvard University si Rom at siya ngayon ay nagsimula na sa paglalakbay papuntang amerika ngayon.

Congrats Rom! pagigihan mo at goodluck sa iyong paglalakbay.

Post a Comment

close