Kris Aquino, pinasilip ang mala-mansiyon na tatlong palapag na bahay sa publiko

Kris Aquino, pinasilip ang mala-mansiyon na tatlong palapag na bahay sa publiko

Kris Aquino, pinasilip ang mala-mansiyon na tatlong palapag na bahay sa publiko

Karamihan sa atin ay nangangarap na magkaroon ng sariling bahay upang manirahan ng masagana kasama ang masayang pamilya.

Ang pagkakaroon ng malaking bahay ay isang malaking biyaya at tanda na rin na ikaw ay nakaangat na sa buhay kumpara sa mga taong kailangan pang umupa ng bahay upang may matirahan.

Talaga namang napaka swerte ng mga taong mayroong mga sariling bahay na hindi na kailangan pang isipin kung saan kukuha ng pambayad ng renta ng tinitirahan

Isa na nga dito ang aktres na si Kris Aquino na hindi na kailangan pang intindihin ang bahay na tutuluyan matapos niyang ibahagi sa publiko ang kaniyang napaka ganda at napaka laking tatlong palapag na bahay na tila ay mansyon.

Si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino o kilala bilang Kris Aquino ay ipinanganak noong February 14,1971 na mula sa mayaman at maimpluwensyang pamilya.

Si Kris ay dati ng nanirahan sa Condo kasama ang dating karelasyon na si Philip Salvador ngunit hindi nagtagal ay lumipat din si Kris kasama ang kaniyang mga anak sa tatlong palapag nitong bahay sa Quezon City.

Sa larawang ibinahagi ay makikita na sobrang lawak at may magagarbo itong mga kagamitan na talaga namang hindi biro ang naging gastos dito.

Ayon sa designer ng bahay kinailangan nila ng masusing pagsusuri dito upang masunod ang gusto ni Kris na design at umayon sa Feng Shui na nais ng aktres.

Sa bahay ni Kris ay mapapansin ang matitingkad na kulay at ang pinto nito ay mayroong kulay berde at maroon din ang lamesa kung saan nakalagay ang mga religious statue.

Mapapansin din ang dalawang Golden Buddha na nakapwesto sa pagitan ng dalawang silid.

Ang kwarto naman ng anak ni Kris na si Josh ay may tema ng travel at explorer na mayroong napakalaking mapa sa dingding dahil ito umano ang hilig ni Josh.

Kung iisipin ay napaka-swerte ng kaniyang mga anak dahil isinilang sila sa mundo na sagana ang kanilang buhay, hindi katulad ng iba nating kababayan na marami ang naghihirap.

Ang kwarto naman ng bunsong anak ni Kris na si Bimby ay mayroong drum set na kulay itim ang dingding at mayroon kaunting dilaw na nagbibigay ng tingkad sa buong silid nito.

Post a Comment



close