"Naka-REBOND AKO" Babaeng sinaway dahil sa nakaka-istorbo nitong buhok,nagalit at minura at nagreklamong pasahero

"Naka-REBOND AKO" Babaeng sinaway dahil sa nakaka-istorbo nitong buhok,nagalit at minura at nagreklamong pasahero

"Naka-REBOND AKO" Babaeng sinaway dahil sa nakaka-istorbo nitong buhok,nagalit at minura at nagreklamong pasahero

Maraming masasaya at hindi makakalimutang karanasan ang bawat pasahero ng mga pampublikong sasakyan. Isa na dito ang kamakailan lang ay nag viral sa social media patungkol sa isang ginang na pinakiusapan lang ng kaniyang katabi na kung maaari ay itali nito ang kaniyang buhok dahil ito ay hinahangin papunta sa kaniyang mukha.

Sa video na inupload ng isang pasahero na kasama rin nila sa loob ng Jeep na si Anika Lopez Rafols. Sa video ay pinakiusapan ng katabi ng isang ginang na nakaupo sa unahang bahagi ng jeep na kung pwede ay itali niya nito ang kaniyang buhok dahil sila ay nasa pampublikong sasakyan. Ang buhok kasi ng ginang ay nakakaistorbo sa kaniyang mga katabi na pasahero dahil kulang nalang ay nguyain ito ng kaniyang mga katabi dahil sa paghangin nito sa kanilang mga mukha.

"Kung mahaba ang buhok, itali mo kung sasakay ka ng jeep. Yan ang tamang pag-uugali," mahinahon na sabi ng isang pasahero na katabi ng ginang.

Sa halip na humingi ng pasensya ang ginang na pinakiusapan ay bigla itong nagalit at nagsisigaw.

"HINDI KO ITO ITATALI, MAHAL ANG BAYAD MAGPA-REBOND. HINDI AKO MAYAMAN PERO NAKAKA-AFFORD AKO!" galit na sagot ng ginang.

"HINDI MO NAMAN PALA GUSTO ANG GANITO, MAG TAXI KA PARA IKAW LANG MAG-ISA DOON. NAPAKA REKLAMADOR MO,,,,,KUNG MAYAMAN KA BAKIT KA NAGJE-JEEP?"

"HUWAG KANG MAKIALAM KUNG HINDI KO ITO ITATALI. WALA KANG PAKIALAM!" pahayag pa ng ginang.

Ayon naman sa nagreklamo ay hindi naman daw niya pinapakialaman ang babae sa kung anong gusto nitong gawin sa kaniyang buhok, ngunit nakakaistorbo na daw kasi ito sa kaniya.

"Wala akong pakialam pero,, wag kang mang istorbo, yung mga buhok mo nasa sa-akin na. Anong gagawin ko kung nasa mukha ko na yung mga buhok mo? Okay ka lang ?"

Dito na nagsimulang magka-initan ang dalawa at patuloy na nag sagutan sa loob ng jeep, habang ang iba namang pasahero ay walang imik sa nangayayari.

Bago bumaba ng jeep ang nagreklamo ay nag iwan naman ito ng salita sa ginang.

"Nagpa-rebond ka na nga lang, dapat sinama mo na rin sanang ipaderma iyang mukha mo. Napaka feeling mo, kung mag feeling ka check mo muna yang mukha mo kung maganda."

"Arte !!! Mag taxi ka sa susunod. Mabangga ka pa sana ! P***ng **a ka! Feeling kang bakla ka! P**te !!" pasigaw na sabi ng ginang habang bumaba ang nasabing nagreklamo.

Habang nakaupo naman ang ginang ay parang sasabog na ito sa galit kung kaya ay naisipan nito na bumaba na rin para habulin ang pasaherong nakasagutan niya.

Sa gilid  na ng kalsada nag pang abot ang dalawa at doon ay sumabog ang galit ng ginang, pinagsisigawan at minura niya ang kaniyang kaaway sa harap ng maraming tao na nagdaraan.

Ayon naman sa ibang pasahero na nakasaksi ng mga pangyayari ay maayos naman daw na nakiusap ang nagreklamo ngunit bigla na lamang itong ikinagalit ng nasabing ginang.

Post a Comment



close