73-anyos na Lola nag-aararo pa din para mabuhay sila ng mga apo niya kahit na mahina at pagod na

73-anyos na Lola nag-aararo pa din para mabuhay sila ng mga apo niya kahit na mahina at pagod na

73-anyos na Lola nag-aararo pa din para mabuhay sila ng mga apo niya kahit na mahina at pagod na

Isang bihirang pagpapakita ng pagmamahal ang ipinakita ng isang Lola dahil kahit na sa kaniyang katandaan at mahihina ng mga buto ay kumakayod pa din ito. Lahat ng pagod ay kaniyang tinitiis upang mabuhay ang kaniyang sarili at ang kaniyang mga mahal na apo.

Sa kaniyang edad n a73-anyos ay walang humpay pa rin ito sa pagbabanat ng buto. Ang Lola ay kinilalang si Lola Bibiana na mula pa sa Kabacan, North Cotabato. Siya ay nakatira lamang kasama ang kaniyang mga apo sa isang tagpi-tagping maliit na barong-barong sa nasabing lugar.

>

Sa edad ni Lola Bibian ay dapat nagpapahinga na lamang ito ngunit kabaliktaran nito siya ay subsob pa din sa pag aararo ng mga bukirin upang kumita ng pera para may makain sila ng kaniyang mga apo sa araw-araw. Katulad ni Lola na matanda na ay matanda na din ang kalabaw na katuwang niya sa pag aararo ng mga bukid.

"Nakakapagod din mabigat. Kahit 73 na ako  kumakayod pa din ako . Oo, mahina na yong katawan kopero kailangan ko kasing magtrabaho. Kailangan kong magsikap para mabuhay pa dito sa mundo."

"Three hundred (P300) lang yung araw-araw sa pag-ararao, iyong kalabaw 600. Isang linggo na iyon pambili ng bigas. Iyon lang ang sa akin pag mag-aararo ako pero kapag tao lang 300 lang , kulang talaga."

Bukod sa pangarap ni Lola na magkaroon sila ng pang kain sa araw-araw at magkaroon ng maayos at simpleng tirahan ay pangarap din niya na sana ay dumating ang araw na siya ay makapagpahinga naman mula sa napakahirap at mabigat na pagta-trabaho.

"Sabi nga nila ay huminto na ako magtrabaho. Pero kapag huminto ako, ano ang kakainin namin? ang pinapangarap ko lang sa buhay, makakain, magkaroon ng bahay na bahay at makapag pahinga," pahayag ni Lola sa kaniyang interview sa programa ng KMJS.

Maliban sa pag aararo ay mano-mano din niyang binabagtas ang malawak na palayan habang bitbit-bitbit niya ang isang mabigat na "spray can" na kaniyang ginagamit sa pag iispray ng mga tanim na palay.

"Masakit na ang aking mga balikat at likod kasi mabigat ang sprayer."

Mahigit 2-ektaryang palayan na pagmamay-ari ng iba ang kaniyang tinatrabaho upang sa pagdating ng anihan ay mabigyan siya ng kaparte na bigas.

Kwento pa ni Lola ay hindi din daw siya tumitigil sa paghahanap ng ibang pagkakakitaan lalo na kapag wala ng nagpapatrabaho sa mga bukid. Siya daw ay nangunguha ng mga pagkain ng baboy at iyon ang kaiyang ibinebenta upang magkaroon siya ng maliit na kita.

"Nangunguha ako ng kangkong at ipinapakain sa baboy kasi wala na akong ibang mapgakakakitaan. Nagbebenta ako ng mga pagkain ng baboy. Nagbebenta rin ako ng kahit kaunting kakaning suman."

Pahayag pa ni Lola ay hindi naman daw siya pinababayaan ng kaniyang mga apo sa lahat ng gawaing bahay, tinutulungan din daw siya umano ito sa pagsasaka.

"Matanda na si Lola kaya tinutulungan ko. Nagpapastol ako ng kalabaw. Nag iispray at nagtatabas sa palayan," pahayag naman ng apo ni lola na si Jay.

Dahil sa hirap na dinaranas ng kaniyang lola ay hindi napigilan ni Jay na maiyak. Pangarap ni Jay na makapagtapos ng pag-aaral upang sa gayon ay maiahon niya si Lola Bibiana sa paghihikahos sa buhay.

"Mag-aaral ako ng mabuti para mabago ko ang kinabukasan namin. Papatayuan ko siya ng bahay at tindahan para lang sa kaniya. Tinitiis namin ang pagtira dito kasi wala naman kaming ibang matitirahan," dagdag pa ng apo ni lola na ang magulang sa kasalukuyang nakakulong sa Davao.

"Matagal kong pinag-iipunan hanggang sa pag naka likom na ako ng P1,000 at may pangkain na kami rito ay pinapadala ko ito sa anak ko sa Davao."

"Magdasal ka sa Panginoon na sana ay makalabas ka na ngayong taon kasi hindi ko na kaya, at para makapag pahinga na ako."

May kaniya-kaniya na ding pamilya ang mga anak ni Lola Bibiana kung kaya sa mag-isa na lamang niyang binubuhay ang kaniyang sarili at ang mga apo.

"Nakokonsensya rin ako at kung mayroon ako binibigyan ko siya. Naaawa ako kay Mama dahil baka kung ano ang mangyari sa kaniya habang nag-aararo dahil sa sobrang init baka himatayin dahil matanda na," pahayag naman ni Jenny Rose Delgado na isa sa mga anak ni Lola.

Dahil sa sitwasyon ni Lola Bibiana at ng kaniyang mga apo ay marami ang nahabag dito. Isa na nga dito ang kaniyang Barangay at Munisipyo ng Kabacan na sinorpresa siyang bigyan ng bigas, groceries at mga materyales para sa itatayo nilang bahay upang sila ay hindi na mabasa sa tuwing umuulan.

"Walang mapag lagyan ang saya at sobrang gaan ng aking pakiramdam ngayon dahil sa mga biyayang bigay ng Diyos."

Pinayuhan naman si Lola Bibiana ng Doktor na kung maaari ay wag na itong gumawa ng mabibigat na trabaho dahil na rin sa kaniyang edad.

Post a Comment



close