Isang estudyante nagtitinda ng turon sa loob ng eskwelahan para makatulong sa pamilya

Isang estudyante nagtitinda ng turon sa loob ng eskwelahan para makatulong sa pamilya

Isang estudyante nagtitinda ng turon sa loob ng eskwelahan para makatulong sa pamilya

Isang estudyante mula Victoria, Laguna ang nagtitinda ng "turon" sa kanilang paaralan upang kumita ng pera para makatulong sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang ina na OFW sa Saudi Arabia.

Tampok sa Kapuso Mo Jessica Soho ang kwento ni Nico Vergara, isang estudyante mula sa Grade 11 na nagtitinda ng turon sa kaniyang mga kapitbahay maging sa kanilang paaralan.

Ayon kay Nico kinukuha niya ang paninda niyang turon sa kaniyang Ninang at ibinebenta niya sa kaniyang mga guro at kapwa estudyante.

"Papasok po ako sa room nila tapos tatanong ko po kung bibili po sila. Nakakahiya po noong una kasi hindi ko rin po kilala yung mga teachers dito at yung mga estudyante,"pahayag ni Nico.

Ayon pa kay Nico ay binibigay niya ang napagbentahan ng turon sa kaniyang ninang at ito na ang bahala kung magkano ang ibigay para sa kaniya.

"Nakabenta po ako ng 160 pesos. Ibibigay ko po ito kay Ninang tapos bahala na po siya kung magkano ibibigay niya sa akin."

Maliban sa pagtitinda ng turon ay tumutulong din si Nico sa kaniyang ama sa pag-aayos ng mga kuryente pagkatapos ng kaniyang klase o kung siya ay walang pasok sa paaralan.

"Yung bakasyon po na ekstra po kami ng Papa ko diyan sa labas. May tatawag po sa amin na magpapagawa ng kuryente. Naghe-helper po ako kay Papa," pagbabahagi pa ni Nico.

"Nandoon na po kasi yung mapapagod talaga. Pero pinipilit ko pong magtrabaho. Mahirap naman po talaga. Sinusubukan kong tumulong,"dagdag pa niya.

Kahit na tumutulong si Nico sa kaniyang pamilya sa pagtatrabaho ay hindi naman nito pinapabayaan ang kaniyang pag-aaral at nanatili pa din na aktibo sa kaniyang eskwelahan.

Sa kagustuhan din ng magulang ni Nico siya ay nag-aaral sa pribadong paaralan. Ayon naman sa kaniyang guro marami sa kanilang estudyante ay hindi nanggaling sa marangyang buhay at ang iba pa nga daw ay miyembro pa ng 4P's(Pantawid Pamilyang Pilipino Program).

Ang ina ni Nico na si Arlaine ay nagtatrabaho bilang domestic helper sa Saudi Arabia ng mahigit na anim(6) na taon para masuportahan siya at ang kaniyang kapatid.

"All around po ako rito. Maglilinis ng bahay. Mag-aalaga ng bata. Tapos magluluto. Akin po lahat, gawa po sa hirap ng buhay sa Pilipinas e hindi ko po kayang tustusan ang lahat ng mga pangangailangan ng mga anak ko. Kailangan Tiisin,"saad naman ng ina ni Nico.

"Kailangan po talaga dito lakasan ng loob, Kasi kapag mahina ang loob mo dito wala pong mangyayari sayo. Masakit po sa loob kasi dapat yung kalinga ng ina dapat po sa mga anak. Kaya lang naibibigay ko sa ibang bata,"dagdag pa nito.

Ayon naman kay Nico ay nangungulila siya sa kaniyang ina. Sa lahat ng okasyon, birthdays, pasko at graduation ay hindi niya kapiling ang kaniyang ina. Kapag may sakit naman siya ay walang ina na nag aaruga sakaniya dahil ang kaniyang ama ay kailangan din magtrabaho upang may dagdag silang kita.

"Kung may pagkakataon po ay gusto ko po sana makauwi na yung Mama ko na sama-sama na po kami dito."

Para matulungan si Nico at ang kaniyang pamilya ay nagbigay ang Provincial Government of Laguna ng scholarship para sa pag-aaral ni Nico.

Isang pribadong organisasyon naman ang nagbigay din ng tulong pinansyal at groceries para sa kanilang pamiya. Binigyan din ng regular na trabaho ang ama ni Nico.

Samantala, nagbigay din ng tulong pinansyal ang programa ng KMJS kay NIco at sa kaniyang pamilya.

Ang video ni Nico na nagtitinda ng turon sa loob ng kanilang eskwelahan ay mabilis naman nagviral sa Tiktok at umabot na ang video na ito ng mahigit sa 1million Likes at 12,000 comments.

Marami naman ang nagpakita ng kanilang paghinga sa katatagan at kasipagan ng binata. Ito ang ilan lang sa mga komento sa tiktok video na nag viral.

"Gusto ko pong maka-inspire ng ibang kabataang katulad ko na hindi po hadlang yung kapos na pera para po pumasok sa school," pahayag pa ni Nico.

Post a Comment



close