Willie Revillame, may napaka gwapong TAGAPAG MANA ?

Willie Revillame, may napaka gwapong TAGAPAG MANA ?

Willie Revillame, may napaka gwapong TAGAPAG MANA ?

Isa sa mga kilalang batikang host sa industriya ay si Wilfredo Buendia Revillame o mas kilala bilang si "kuya Wil" Willie Revillame. Hindi lamang siya batikan sa larangan ng hosting kundi isa din siyang Filipino singer, actor, song writer, businessman at komedyante.

Si kuya Wil ay katulad din ng ibang mayayaman na nagmula sa mahirap na buhay kung kaya ay ramdam din nito ang hirapa ng ating mga kababayan na sumasali sa kaniyang palabas.

Dahil sa talento at dedikasyon nito sa trabaho ay isa na nga siya sa pinaka mayaman sa kanilang indutriya. Ipinakilala na nga rin niya sa publiko ang isa sa pinaka mamahal niyang apo na si Elijah Palanca na isa sa magiging tagapag mana ng kaniyang mga pinagpaguran na ari-arian.

Si Elijah ay apo ni Kuya Wil sa anak niyang si Meryll Soriano na isa ding kilala na artista.

Si Elijah ay anak ni Meryll kay Bernard Palanca kung saan ay nagsama sila ng anim na buwan at nagkahiwalay din dahil sa hindi pagkakaunawaan kung kaya naman ay napagdesisyunan nila na tapusin na ang kanilang relasyon.

Ngunit kahit na ganoon  ang nangyari sa pamilya ni Meryll ay hindi naman sila pinabayaan ng kaniyang ama. SInuportahan siya ng kaniyang ama sa pagpapalaki ng maayos sa kaniyang anak na si Elijah.

Ngayon nga ay binata na si Elijah at maraming netizen ang talaga namang humanga sa angking kagwapuhan ng isa sa tagapag mana ni Kuya Wil.

Ayon pa nga sa ibang netizen ay hindi mabibigo ang mga magulang ni Elijah kung sakaling sumagi sa isip nito na sumabak din sa showbiz. Dahil katulad ng kaniyang mga magulang ay nasa dugo talaga nito ang pag arte.

Maliban nga kay Elijah na isa sa mag mamana ng ari-arian ni Kuya Wil ay mayroon din itong anak na lalaki na si Juamee Revillame na binata na rin.

Ang bunsong anak na lalaki na si Juamee ay anak nito sa dating asawa na si Liz Almoro. Matatandaan na naghiwalay din ang dalawa matapos na magpetisyon si Liz sa korte upang ideklara na walang bisa ang kanilang naging kasal.

Ipinakilala na din ni kuya wil noon ang dalawa pa niyang anak na babae na sina Louise Anne at Marimonte ngunit ang hindi nga alam ng karamihan ay mayroon pa siyang anak na lalaki na si Juamee Revillame.

Sa kasalukuyan naman ay nasa kustodiya ni Liz ang bunsong anak na lalaki ni Kuya wil ngunit hindi naman niya ito ipinagdadamot na makasama at mabisita ni Kuya Wil.

Ayon pa nga kay Kuya Wil ay sinisugarado na niya ang lahat ng pangangailangan ng kaniyang mga anak at apo lalo na ang para sa magiging futue ng mga ito.

Post a Comment



close