P170-Milyong halaga ng meteorite napulot ng isang OFW sa Saudi, Instant Milyonaryo.

P170-Milyong halaga ng meteorite napulot ng isang OFW sa Saudi, Instant Milyonaryo.

P170-Milyong halaga ng meteorite napulot ng isang OFW sa Saudi, Instant Milyonaryo.

Instant milyonaryo naman ang isa nating kababayan na nasa Saudi,dahil nito lamang nakaraang Hulyo 27,2022 ay maswerte siyang nakapulot ng isang meteorite o bulalakaw sa mismong bahay ng kaniyang pinagtatrabahuhan.

Nakarinig umano ito ng malakas na kalabog mula sa labas ng bahay na kaniyang pinagtatrabahuhan kung kaya naman ay agad niya itong pinuntahan at hinanap kung ano ang dahilan ng malakas na kalabog.

Ayon pa sa salaysay niya ay laking gulat na lamang niya ng makita ang umuusok at nag-aapoy na bato sa isang sulok ng compound.

Sinabuyan naman daw niya ito kaagad ng tubig upang tumigil sa pag apoy. Agad naman daw na tumawag ng dalawang lalaki ang kaniyang amo upang ipasuri ang bato na kaniyang nakita.

Matapos na ipasuri ang batong napulot ay napag alaman nila na 100% raw na isang meteorite ang bumagsak sa bahay ng kaniyang amo.

Kwento pa niya ay hindi daw siya pumayag sa kagustuhan ng kaniyang mga amo na isurrender ang nasabing bato sa dalawang lalaki na nag suri nito. Ayon sa kaniyang amo ay malas daw iyon sa kaniyang bahay.

Nag antay daw ito ng tamang pagkakataon upang ipatingin ang napulot niyang bulalakaw. At nang makahanap nga siya ng pagkakataon ay agad siyang nagbakasakali na ipatingin ito sa mga bumibili ng kapareho na bato na kaniyang hawak.

Hindi naman nasayang ang kaniyang pagbabasakali dahil mabilis niya itong naibenta sa malaking halaga.

Ang nasabing bato na napulot nga ng ating kababayan mula Saudi ay nagkakahalaga lang naman ng 11.6-million riyals o tumataginting na mahigit sa P170 Million Philippine Peso.

Dahil nga sa batong ito ay INSTANT MILYONARYO ngayon ang ating kababayan na hindi na pinangalanan.

At dahil din sa bato na ito ay kahit hindi pa tapos ang kaniyang kontrata ay nakatakda na agad siyang umuwi ng Pilipinas upang makapag negosyo at makasama na ang kaniyang pamilya.

Post a Comment



close