Kambal na Summa Cum Laude, 16th Placer sa Board Exam Pinangaralan

Kambal na Summa Cum Laude, 16th Placer sa Board Exam Pinangaralan

Kambal na Summa Cum Laude, 16th Placer sa Board Exam Pinangaralan

Lubha ngang ikinagagalak ng mga magulang na makitang nakatayo ang kaniyang sa entablo upang kunin ang kaniyang diploma. Ngunit mas tiyak na kagalakan ang kanilang nararamdaman kung makita nila na hindi lang basta nakapagtapos ang kanilang anak ngunit nakamit pa nito ang pinakamataas na parangal.

Ganito ang pakiramdam ng isang magulang mula Batangas matapos na magtapos ang hindi lang isa kundi ang kanilang kambal na anak na parehong naka kuha ng pinaka mataas na parangal sa kanilang unibersidad ng sila ay magtapos.

Ang nasabing kambal ay kinilala bilang sila Denise at Bernise Catuncan na kapawa nagtapos bilang Summa Cum Laude sa pareho ding kurso na Bachelor of Science in Accountancy sa Batangas State University (BSU) sa Nasugbu Campus.

Si Denise ay nakakuha ng 1.22 na average at ang kaniyang kakambal naman na si Bernise ay nakakuha ng 1.24. Ito ang dahilan kung kaya't kinilala sila bilang kauna-unahang kambal sa kasaysayan ng BSU na nagtapos bilang SUMMA CUM LAUDE.

Ang nasabing kambal ay ang bunso sa limang magkakapatid na Catuncan. Ulila na sa ama ang magkakapatid kung kaya naman ay mag-isa lamang silang itinataguyod ng kanilang ina.

Ang kanilang solo parent na si Gng. Bernardita Catuncan ang nagpalaki at nag aruga sa kanilang magkakapatid. Si Gng. Bernardita ay nagtatrabaho bilang isang part-time broker.

Saad ng kanilang ina "We lost him, pero sinabi ko na I'm going to find ways to raise you all. For you all to become a good person as a all of you are today".

Kwento pa nila Denise at Bernise para daw hindi mahirapan ang kanilang ina sa pag suporta sa kanilang mga gastusin ay isinantabi muna nila ang kanilang pangarap na makapag aral ng kursong Architecture at Chemical Engineering.

Binahagi rin nila ang kanilang mga suliranin na pinagdaanan lalo na sa aspeto ng pinansyal noong sila ay nag-aaral pa.

"Sobrang hirap po talaga, as in dumadating kami sa point na mangungutang ganon. Tapos iyon , parang umaasa po kami lagi sa scholarship po talaga namin." aniya ni Denise.

"Actually mahirap po siya pero dahil sa humihingi din po kami ng guidance kay Lord, So hindi niya po kami pinapabayaan." dagdag naman ni Bernise.

Sa ibinigay na talumpati ni Bernise ay inilarawan niya ang kaniyang kambal na si Denise bilang isang best buddy. Pinasalamatan din niya ang kanilang ina na nagsakripisyo para maitaguyod ang kanilang pag-aaral.

Nagbigay din ang kambal ng kanilang mensahe para sa kanilang namayapang ama.

"Kung nakikita mo kaming dalawa ngayon miss na miss ka na namin." umiiyak na mensahe ni Bernise.

"Papa, para po sa iyo lahat ng na-achieve namin." naka ngiti namang wika ni Denise.

Matapos na maka graduate ang kambal na parehong summa cum laude ay hindi na nag aksaya pa ng panahon ang mga ito. Agad naman nilang inatupag ang paghahanda sa kanilang Board Exam upang maging na silang Certified Public Accountants.

Upang makatulong sa kanilang pamilya ay nagtrabaho din sila habang sila ay nagrereview at bago pa muling mag-aral ng Law.

Sa paglabas naman ng resulta ng kanilang Board exam ay laking tuwa at gulat nilang magkapatid na bikod sa pareho silang nakapasa ay pareho pa nilang nasungkit ang 16th place sa Board Exam.

Dahil sa tagumpay na nakamit ng kambal ay binigyang karangalan sila ng kanilang Alma Mater. Higit na naging espesyal para sa BSU ang nakamit nilang tagumpay dahil sila ang kauna-unahang board passer na nagmula sa naturang Unibersidad na kapwa pa ay nakakuha ng pwesto sa Top 20.

Higit pa dito ay pinagkalooban din sila ng kanilang Local Government Unit (LGU) ng tig P10,000 each bilang pasasalamat sa pinamalas nilang karangalan.

Post a Comment



close