Tekla nakipag balikan sa dating ka live in; Michelle buntis na ulit !

Tekla nakipag balikan sa dating ka live in; Michelle buntis na ulit !

Tekla nakipag balikan sa dating ka live in; Michelle buntis na ulit !

Matapos na mag-away na humantong pa sa pagsampa ng reklamo sa barangay at paghingi ng tulong sa progrma ni Sen. Raffy Tulfo ay nakipag-balikan na rin pala ang komedyanteng si Tekla sa ka-live in partner nito noon na si Michelle Banaag.

Maliban sa balitang nakipag balikan na nga ito kay Michelle ay nagdadalang tao na din daw si Michelle sa ikalawang anak nila ni Tekla.

Ngunit gaano nga ba katotoo na patuloy pa din daw sa pagsu-sugal ang nasabing komedyante. Ayon na rin sa talakayan sa "SHOWBIZ NOW NA" na vlog nina Nanay Cristy Fermin at Morly Alinio kasama din ang kanilang guest co-host na si Wendell Alvarez.

Kabaligtaran noon na marami ang tumutulong at naaawa kay Tekla dahil nga sa may sakit ang panganay na anak nito na si Angelo, ngunit sa pagkakataong ito ay marami na rin ang natatabangan sa kaniya.

Sa nasabing vlog nga ay binungad ni Nay Cristy na nagdadalang-tao na naman umano ngayon si Michelle sa pangalawa nilang anak ni Tekla. Kuwento kasi ay marami na daw ang natabangan kay Tekla dahil bumalik na naman daw ito sa dating bisyo.

"Dalawang bisyo iyon, ang isang bisyo ay itatapon natin dahil wala namang nagagawang maganda kahit sinong gumagamit. Ang ikalawa........(sabay baling kay Wendell)". pabitin na sabi ni Nanay Cristy.

"Ang ikalawa ay ang mga E-games, bingo. Ibig sabihin ay bumalik na naman si Tekla ro'n? Minsan nandoon din siya sa Casino", sabi naman ni Wendell na madalas din sa nasabing lugar dahil kasama siya lagi ng kaniyang kaibigan na madalas din na maglibang.

"Nakikita ko siya sa Casino. Kapag may pera malaki ang taya pero kapag wala konti na lang ang taya niya", dagdag pa ni Wendell.

"Lulong na talaga siya? hirit naman ni Morly.

"Hindi niya maiwasan. Isinadula pa ang buhay niya sa MAGPAKAILANMAN na ang tanging dahil lang daw niya kung bakit siya pumasok sa showbiz ay para maiahon sa hirap ang pamilya niya", saad naman ni Nay Cristy.

"Iyon naman talaga ang unang plano natin Ate Cristy kaya tayo nagpapakahirap at nagpapakapagod para iahon natin ang ating pamilya,"dagdag naman ni Morly.

Tanong pa ni Nay Cristy, "Anong nangyari kay Tekla bakit muling bumalik sa bisyo?"

"Nalulungkot ako kasi hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataon kung anuman ang mayroon siya ngayon. Ang tanong ko , Ate Cristy wala ba siyangh pagpapahalaga sa kaniyang pamilya?" tanong pa ni Morly.

"Sa palagay ko nadadala siya ng kapritso niyang pang sarili kasi kung meron, hindi niya gagawin yan." sagot naman ni Nay Cristy.

Isa rin si Willie Revillame sa mga tumulong din kay Tekla dahil kinuha siyang co-host nito sa Wowowin" ngunit umalis ito ng walang paalam.

Maging ito nga rin ay nabanggit ni Nay Cristy sa kanilang vlog at sinabi na masama ang loob ni Kuya Wil kay Tekla.

Kuwento ni Nay Cristy "Umalis siya sa Wowowin ng walang paalam. Sa post na lang nakita ni Willie na wala na pala siya sa programa. WAG GANUN! Kapag pinahalagahan ka ng tao, binibigyan ka ng magandang oportunidad, hawakan mo na , sunggaban mo na huwag mo ng pabayaan."

"Oo, hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataong hawak niya ngayo," sabi naman ni Morly.

"Isipin mo totoo siyang lalaki pero kapag kumanta at kumilos siya kaya niyang maging bading," dagdag pa nito.

Post a Comment



close