Anak, nagregalo ng ISANG MILYONG PISO (P1,000,000) sa kaniyang may birthday na ina

Anak, nagregalo ng ISANG MILYONG PISO (P1,000,000) sa kaniyang may birthday na ina

Anak, nagregalo ng ISANG MILYONG PISO (P1,000,000) sa kaniyang may birthday na ina

Tunay nga ang salitang "SANA ALL" lalo na kung makakita ka ng isang bonggang birthday celebration na may kakaibang gimik.

Mabilis nga na nag viral ang isang video sa social media kung saan ay may kakaibang pakulo ang mga anak ng isang ina na nagcecelebrate ng kaniyang kaarawan.

Naisipan ni Lou (isa sa mga anak na nasa video) na bigyan ng malaking sorpresa ang kanilang ina sa ika-67 na kaarawan nito. Ito ay bilang pasasalamat nila para sa kanilang ina sa mga sakripisyo nito para sa kanila noong sila ay nag-aaral pa lamang.

Ginawa nilang mala- TV Game show ang birthday party ng kanilang ina. Pinapipili nila ang kanilang ina kung kukunin  ba nito ang P100,000 CASH o ang sorpresang package na kanilang hinanda.

Maging ang kanilang mga bisita ay nakikisigaw din na piliin nalang ang package kaysa ang P100,000 cash. Lahat ng taong nasa celebration ay masaya para sa birthday celebrant na para bang sila ang tatanggap ng regalong naghihintay para dito.

Pinili nga ng ina ni Lou ang package at sobrang saya nito sa napiling desisyon dahil higit pa sa P100,000 ang laman ng package. 

Ang laman ng package na natanggap ng ina ni Lou ay tumataginting lang naman na Isang Milyong Piso(P1,000,000). Bukod pa dito ay mayroon din itong kasama na mga alahas at HOUSE AND LOT lang naman.

"para akong binigyan ni Kuya Willie ng pera, house and lot at nanalo ako ng one million! para akong nanalo sa lotto," masayang sabi ng ina ni Lou.

Pagka pasok ng kwarto ng kanilang ina habang nakatakip ang mga mata nito ay hindi makapaniwala ang kaniyang ina ng tumambad sa kaniyang harapan ang napakaraming pera. Nakalatag ang mga pera sa kaniyang kama at maging sa kaniyang sofa ay may nakalatag din na pera.

At sabay sabay nilang kinantahan ng Happy Birthday ang kanilang ina at biglang sigaw ni Lou ng "MILYONARYA NA SI MAMA ! "

Kwento ni Lou ay lumaki sila na hikahos sila sa buhay. Tandang-tanda pa daw niya na tanging suka at dinikdik na luya lamang ang kanilang ulam. Hanggang sa eskwelahan ay ginamos at kanin na binot sa dahon ng saging lamang ang kanilang baon.

Dahil dito ay nangarap si Lou na tutuparin niya ang mga pangarap ng kaniyang ina. Sa katunayan nga daw ay sinulat pa niya ito sa kaniyang notebook at kabilang na nga dito ang pangarap niyang maging milyonarya ang kaniyang ina.

Bilang pasasalamat nga niya sa lahat ng sakripisyo ng kaniyang ina ay naisipan niya itong regaluhan ng isang milyon. Nais umano niyang tuparin ang pangarap niya para sa kaniyang ina na maging isang INSTANT MILYONARYO.

Sabi pa ni Lou ay hindi matutumbasan ng pera ang sakripisyo ng kanilang ina para sa kanila. Pumasok umano ang kanilang ina sa iba't-ibang trabaho, tulad ng iba at ginagawa din nitong umaga ang gabi para lamang maitaguyod silang siyam(9) na magkakapatid.

"Sobrang hirap po ng buhay namin noon kaya sabi ko po talaga sa sarili ko na pagsisikapan ko na makapagbigay ng isang milyon kay Mama," aniya ni Lou.

Kung kaya naman ng makapag tapos ng pag aaral si Lou ay wala itong inaksaya na oras na magtrabaho hanggang sa pinasok niya ang pagbebenta ng mga Skin Care noong panahon ng pand3my4.

"I want to inspire everybody na ang pera ay makikita lang pero ang kaligayahan ng isang ina ay hindi mo iyan masusuklian ng kahit ano pa mang bagay," pahayag ni Lou sa kaniyang panayam.

Sobrang pasasalamat ng kaniyang ina sa pagkakaroon ng isang napakabait na anak na tulad ni Lou. Kung kaya naman ay lalong pinagpapala ang mga katulad ni Lou na marunong tumanaw ng utang na loob sa kaniyang mga magulang.

Post a Comment



close