Sa edad na 51y/o, Smokey Manaloto ibinahagi ang pagiging ama sa unang pagkakataon

Sa edad na 51y/o, Smokey Manaloto ibinahagi ang pagiging ama sa unang pagkakataon

Sa edad na 51y/o, Smokey Manaloto ibinahagi ang pagiging ama sa unang pagkakataon

Tila nga ay nasa alapaap ngayon ang pakiramdam ng beteranong aktor na si Smokey Manaloto sa pagbabahagi niya ng "SOMETHING BIG" na nangyari sa kaniyang buhay.

Kung dati ay sa palabas lamang niya nararanasan o nagagampanan ang isang pagiging tatay, ngayon ay magagampanan niya na ito sa wakas sa tunay na buhay.

Ang kaniyang non-showbiz partner at si Smokey ay biniyayaan sa unang pagkakataon ng isang malusog na lalaking sanggol nito lamang Agosto 4 taong 2022 at binigyan nila ito ng pangalang "KIKO".

"Sabi nila, wala ka ng pag-asa! Huli ka na sa biyahe! Akala ko talaga huli na, HINDI PA PALA. Ito na yung SOMETHING BIG na nangyari sa akin!" bungad ni Smokey sa kaniyang nakakaantig na video patungo sa kanilang bagong silang na anak.

Ibinahagi ni Smokey sa kaniyang video na nalaman nila na nagdadalang tao ang kaniyang partner noong December 2021.

August 2,2022 nang isug0d sa Hospital ang kaniyang partner. Ayon pa kay Smokey ay hindi siya pinayagan na manatili sa labor room kung kaya ay sa video call lamang niya nalalaman ang sitwasyon ng kaniyang partner.

August 24,2022, eksaktong alas-dose(12am) ng madaling araw nga ay lumabas na ang "SOMETHING BIG" ni Smokey, ang kaniyang UNANG ANAK.

At dito nga ay pinababa na si Smokey sa delivery room para masilayan ang kaniyang "FIRST BORN".

"Ladies and Gentlemen, We would like you to meet our "KIKO MANALOTO", caption ni Smokey sa kaniyang post.

Bakas naman sa mukha ng FIRST TIME DADDY ang saya niya habang hawak-hawak at hinehele nito ang kaniyang anak.

Bago pa man ang pagbabahaging ito ay nilinaw na ng aktor ang kaniyang tunay na edad dahil sa mga balitang lumalabas na siya daw ay 44 taong gulang pa lamang.

"Nakakatuwang mabasa na ang edad ko pala sa internet ay 44 pa lang, 55 na po ako ."

"Kahit na gustuhin ko man..... Baka magalit sa akin ang mga netizens. Hehehe...#51not44".

Post a Comment



close