Isang dating Sales Clerk naman ang nag bigay ng kaniyang kwentong "iponaryo" sa facebook page ni Chinkee Tan. Ang nasabing Sales Clerk ay si Maricar-Lizada-Vargas na walang kamalay-malay na umabot na sa P67,000 ang perang kaniyang naipon.
Sa pagbabahagi ni Maricar sa kaniyang kwento ay nag umpisa daw siyang mag-ipon ng paunti -unting barya gamit ang bote ng 1.5 litro na coke.
Nito nga lang Enero ay sinimulan na din niyang mag ipon ng mga singkwenta (50) pesos. Wala raw siyang pinalagpas na pagkakataon at kinaadikan na ang pag-iipon. Sa katunayan nga daw ay sa tuwing magkakaroon siya ng P50 pesos ay nakasanayan na niyang itago ang mga ito sa halip na gastusin.
"Nag start ako sa pabarya-baryang ipon nilalagay ko sa 1.5ltr na coke. Para kong lalo namo-motivate pag nakikita kong napupuno ng di ko napapansin. Then January this year nag start ako sa invisible 50 wala akong pinapalampas. Nakakaadik pala mag ipon lalo pag nakasanayan mo na haha. Ngayon it's time to open na din I can't believe na sa loob ng 7 buwan naka 67k ako ng di ko man lang naramdaman."
Noon pa man daw ay nakasanayan na ni Maricar ang pag-iipon. Hindi ito naging maluho at sobrang kuripot daw niya lalo na sa mga materyal na bagay.
"in short I always choose kung san convenient at makakatipid."
Open-minded din si Maricar pagdating sa mga passive income. Palagi niyang iniisip kung ano lang ba ang gusto at kung ano ang talagang kailangan. Iniisip niya din palagi kung paano pa niya madadagdagan ang kasalukuyan niyang kinikita.
Katulad ng maraming rakitera na tulad ni Maricar ay nangungupahan lang din ito sa kanilang tinitirahan kasama ang kaniyang live-in partner at kani-kanilang anak.
Malaki man o maliit ay magkahati silang magpartner sa lahat ng bayarin at gastusin ng kanilang pamilya.
Napag desisyunan din ni Maricar na gamitin ang naipong pera para pandagdag puhunan sa kaniyang pagiging Online Distributor.
Dahil na rin sa kasipagan at maingat ni Maricar sa pera ay nakapag pundar na din siya ng maliit na lupa at mga alagang hayop.
Ang tanging nais lamang ni Maricar sa pag share ng kaniyang istorya ay upang magbigay inspirasyon sa mga taong makakabasa ng kaniyang istorya.
Post a Comment