Ama sinamahan ang kaniyang anak na PWD sa pagkuha ng LET Board Exam

Ama sinamahan ang kaniyang anak na PWD sa pagkuha ng LET Board Exam

Ama sinamahan ang kaniyang anak na PWD sa pagkuha ng LET Board Exam

Sa tuwing lumalabas ang resulta ng mga Board Exam ay marami tayong kwento na nababasa patungkol sa hirap at sakripisyo ng mga kumuha ng pagsusulit upang magkaroon ng lisensya.

Isa nga sa mga kwentong ito ay ang pinost ni Sheila Mae Glor sa kaniyang Facebook account. Ang kwentong binahagi niya ay hindi patungkol sakaniya ngunit ito ay kwento ng isang mapagmahal na ama.

Si Glor ay isa din sa mga kumuha ng Board Exam for Teachers. Ayon sa kaniyang kwento ay noong araw daw ng kanilang exam ay napansin niya ang isang matanda na tila ay may hinihintay sa labas ng ng building na kanilang kukuhan ng exam.

Kwento pa ni Glor ay mukhang mabait raw ang matandang lalaki dahil nginingitian daw nito ang bawat taong dumadaan. Aniya ni Glor ay kung sino man daw ang hinihintay ni tatay doon ay ramdam niyang todo ang suporta nito para sa kaniya.

Ayon sa kwento ni Glor ay 6:30 palang daw ng umaga ay nandoon na si tatay sa labas building. Matatapos daw ang pagsu-sulit ng mga 6:30 na ng hapon. Mga 5:30 ng hapon ay nayari ng mag exam si Glor at nakita pa din niya ang matandang lalaki sa labas at doon nga ay nagkaroon na siya ng pagkakataon na makipag kwentuhan dito.

Doon nga ay kinuwento ni tatay kay Glor na isa sa mga kumukuha ng LET ay ang kaniyang anak na lalaki. Simula pa raw noong first year ng kaniyang anak ay hinahatid-sundo na niya ito.

Sobrang naantig ang puso ni Glor sa kwento ng matandang lalaki sa kaniya. Kitang kita daw niya sa mata nito ang pagiging proud sa kaniyang anak.

"Gusto kong maiyak. Dama ko yung sakripisyo ni tatay at ng lahat ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Yung kaya nilang gawin ang lahat nang walang pagkapagod o pagkainip". saad ni Glor.

Pahayag pa ni Glor sa kaniyang post ay isasama rin daw niya sa kaniyang panalangin si tatay. Hiling niya na sa raw ay mabigyan pa ng mahabang buhay at mabuting kalusugan si tatay upang patuloy pa daw nitong maalalayan at masuportahan ang kaniyang anak.

Dagdag pa ni Glor na sana ay kapwa sila makapasa ng anak nito sa kinuhang pagsusulit.

Marami naman ang humanga kay tatay dahil sa kaniyang pagmamhal sa kaniyang anak. Pinuri din nila ang anak nito sa pinakitang dedikasyon na hindi naging hadlang ang kapansanan niya upang abutin ang kaniyang mga pangarap.

Sa kaniyang comment section nga ay masaya din na ibinahagi ni Glor na dininig ng Diyos ang panalangin ng lahat na makapasa ang anak ni tatay na si Sir Edwin Garin sa 2019 LET(Licensure Examination for Teachers) Board Exam.

Post a Comment



close