Isang ina tinulungan ang nahihirapan na anak sa mismong trabaho nito

Isang ina tinulungan ang nahihirapan na anak sa mismong trabaho nito

Isang ina tinulungan ang nahihirapan na anak sa mismong trabaho nito
Kung ang ama ang haligi ng tahanan, ang mga nanay naman ang nagsisilibing ilaw ng ating mga tahanan. Sila ang palaging nandiyan para sa atin kung tayo ay masaya, malungkot, nasasaktan o nahihirapan sa ating mga desisyon sa buhay.

Sa isang larawan na pinost ng isang netizen na si Rubie Lyn Mendoza makikita ang larawan ng isang ina na kina-antigan ng puso at inulan ng positibong reaksyon mula sa mga nakakita nito.

Makikita sa larawan na pinost ni Rubie ang isang babae na nagliligpit ng lamesa sa isang fastfood chain. Mapapansin sa larawan na tila ay hindi empleyado ang nasabing babae sapagkat ito ay hindi nakasuot ng uniporme.

Ayon sa post ni Rubie ang babaeng nasa larawan ay si nanay Emilia. Si Emilia ay ang nanay ng isang service crew sa nasabing kainan, nagpunta daw ito upang kumain para makita at dalawin ang kaniyang anak.

Ngunit nakita daw umano ni nanay Emilia ang kaniyang anak na pagod na pagod at halatang natataranta sa kaniyang mga ginagawa. Bilang ina ay napaluha nalang si nanay emilia sa kaniyang natunghayan na buhay ng kaniyang anak sa trabaho nito.

"Lagi ko siyang napag-iinitan sa bahay, hindi ko alam na sobra pala ang sakripisyong ginagawa niya dito para makakain lang kami", aniya ni nanay Emilia.

Dahil sa nasaksihan na sitwasyon ng kaniyang mahal na anak ay hindi nagdalawang isip si nanay Emilia at dali-dali itong tumayo sa kaniyang inuupuan at nagsimula na nga ding magligpit ng mga pinagakainan sa lamesa ng mga umaalis na customer.

Dahil sa natunghayan ni Rubie ay napahanga ito sa mag-ina. Aniya ay sadyang nakakataba ng puso ang ginawa ni Nanay Emilia. Nakita daw niya ang sobrang pagmamahal nito sa kaniyang anak dahil ayaw daw nito makitang nahihirapan ang kaniyang anak.

Ayon pa sa post ni Rubie ay sobrang swerte daw ng mga anak ni nanay Emilia dahil mayroon silang mapagmahal at matulungin na ina.

Kahanga-hanga ang katangiang taglay ng isang ina sapagkat gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya maalagaan lamang ang kanilang mga anak. Ang mga ina rin ang isa sa mga umaaalalay sa bawat miyembro ng pamilya, lalo na ang paghubog nito sa kaniyang mga anak na maging mabuting tao.

Hindi biro ang pagiging isang ina dahil hindi lang pagiging maybahay ang kaniyang tungkulin ngunit responsibilidad din niyang mapag-aral at gabayan ang kaniyang mga anak.

Post a Comment



close