Nanay na sinurpresa ang kanyang anak ng "Nilupak na Cake" sa birthday nito, Umantig sa puso ng netizens

Nanay na sinurpresa ang kanyang anak ng "Nilupak na Cake" sa birthday nito, Umantig sa puso ng netizens

Nanay na sinurpresa ang kanyang anak ng "Nilupak na Cake" sa birthday nito, Umantig sa puso ng netizens

Marahil lahat sa atin ay nagnanais na magkaroon ng cake sa  tuwing birthday natin. Cake ang isa sa nagpapasaya sa ating kaarawan lalo na para sa mga bata. Ngunit hindi lahat sa atin ay kayang makabili ng cake para sa ating kaarawan or sa kaarawan ng ating mahal sa buhay.

Tulad nalang ni nanay Leah na mula sa Maasin, Southern Leyte na hinangaan ng mga netizen dahil sa naramdaman nila ang sobrang pagmamahal nito sa kaniyang anak ng gawan ni nanay leah ng linuyang/nilupak cake ang kaniyang anak na may birthday..

Ang anak ni nanay leah na si Lixter ay nagdaos ng kaniyang 11th birthday. Dahil sa kagustuhan niyang mapasaya ang kaniyang anak ay sinorpresa niya ito ng ginawa niyang nilupak cake.Simple man ito ngunit espesyal dahil gawa ito mula sa puso.

Makikita sa mga larawang pinost ni nanay leah na masaya ang naging reaction ng kaniyang anak sa cake na ibinigay niya. Tanging hiling lamang niya ay ang magkaroon ng masigla at malusog na pangangatawan si Lixter.

Hindi man mamahalin na cake ang naibigay ni nanay Leah sa kaniyang anak ngunit hindi mapapantayan ng ano mang halaga ang pagmamahal at sakripisyo ng isang magulang para sa kaniyang anak maibigay lang ang kasiyahan at pangangailangan nito. Simpleng handaan man ay nagiging espesyal at masaya basta't kasama ang buong pamilya.

Post a Comment



close