Isang Karpintero naging "INSTANT MILYONARYO" matapos ibenta ang "METEORITE" na bumagsak sa kaniyang bahay

Isang Karpintero naging "INSTANT MILYONARYO" matapos ibenta ang "METEORITE" na bumagsak sa kaniyang bahay

Isang Karpintero naging "INSTANT MILYONARYO" matapos ibenta ang "METEORITE" na bumagsak sa kaniyang bahay

Lahat ng tao ay nangangarap na magkaroon ng marangyang buhay. Ngunit kailangan nating maging masipag at matiyaga upang maabot ang ating pangarap. Kailangan nating magsakripisyo at tiisin ang pag hihirap para lang magkaroon ng maginhawang buhay.

Ngunit minsan sa hindi inaasahang pangyayari ay dumadating ang suwerte. Kung naman kapag ito ay nangyari dapat ay handa tayo at alam natin kung ano ang ating dapat gawin.

Katulad na lamang ni Josua Hutagalung, 33 taong gulang at isang karpintero na mula sa bansang Indonesia na ngayon ay isa ng ganap na milyonaryo.


Naging "instant milyonaryo" si Josua matapos niyang maibenta ang isang "meteorite" na hindi inaasahang babagsak sa kaniyang bahay.

Buwan ng Agosto nang bumagsak ang hindi inaasahang swerte sa bahay mismo ni Josua habang siya ay abala sa kaniyang trabaho sa labas ng kanilang tahanan.

Ayon sa kaniya ay mayroon siyang narinig na malakas na tunog sa kanilang bahay kung kaya naman ay agad niya itong hinanap.

Sa kaniyang paghahanap ay laking gulat niya ng matagpuan ang isang 2.2 kilo ng meteorite na bumagsak sa kanilang bubungan.

Ang nasabing meteorite ay lumubog pa sa lalim na 15cm na agad namang hinukay ni Josua. Ito raw ay mainit-init pa ng kaniyang mahukay na agad naman niyang ipinasok sa kanilang bahay.

"From my posting on facebook, I received many responses from hundreds of people and the post was shared hundreds of times.As a matter of fact, there have been many local and international reporters who have came here to cover the incident."  saad pa ni Josua.

Ang bumagsak na meteorite ay agad namang napagbili ni Josua sa halagang RM7.6 million(Malaysian Ringgit) na may katumbas na Php88,920,000 (Philippine Peso). Ang halagang ito ay katumbas na ng suweldo ni Josua sa loob ng 30 taon.

Talaga namang napakasuwerte ni Josua na sa dinami dami ng bubung at lugar na pwedeng bagsakan ng meteorite ay sa mismong bahay pa niya ito bumagsak.

Dahil sa biyayang pinagkaloob sa kaniya ay nais ni Josua na magpatayo ng isang simbahan sa kanilang lugar at nais rin niyang magkaroon pa ng isang anak na babae bukod sa kaniyang tatlong anak na lalaki.

Ang isang dating karpintero na masipag at matiyaga na nagtatrabaho ay isa ng "INSTANT MILYONARYO."

Post a Comment



close