Lolo na hindi nakatanggap ng ayuda, personal na binigyan ng isang pulis sa Tarlac.

Lolo na hindi nakatanggap ng ayuda, personal na binigyan ng isang pulis sa Tarlac.

Lolo na hindi nakatanggap ng ayuda, personal na binigyan ng isang pulis sa Tarlac.

Hindi napigilan ng isang pulis ang maluha habang binibigay niya sa isang matanda ang tulong niya para dito.

Binigyan ng personal na tulong ni Patrolman Mark Ramirez ang isang lolo matapos itong hindi makatanggap ng ayudang SAP o Social Amelioration Program.

Lahat ng tao ay apektado ng kinakaharap nating pand3mya. Kung kaya naman ay maraming tao ang nag abang at nagbabakasakali na makatanggap ng ayuda mula sa gobyerno sa pamamagitan ng programang SAP kada baranggay.

Ang programang SAP ay programa ng gobyerno para sa mga mahihirap na sektor sa ating bansa. Ngunit sa dami ng populasyon natin ay hindi lahat ng karapat-dapat na mabigyan ng tulong ay nabigyan. 

Isa na nga rito ang Lolo na kabilang sa mahirap na sektor ang hindi napasama sa listahan ng mabibigyan ng ayuda. Dahil dito ay nadismaya ang matanda dahil sa naghintay lamang siya sa wala.

Nasaksihan ng isang nakaduty na pulis na si Pulis Ramirez ang nangyari sa matanda ng hindi ito makatanggap ng ayuda. Kaya naman ay mabilis itong namili ng grocery items para ibigay sa matanda.

Mayaring makapamili ay agad na hinanap ni Ramirez ang matanda. At sa kanilang pagkikita ay naiyak na lamang si Ramirez habang binibigay ang pinamili niyang groceries para dito.

Sobrang naantig ang puso ni Ramirez ng makita niya ang kalagayan ng matanda kung kaya naman ay hindi na niya napigilan ang maluha.

Sobrang pasasalamat naman ni Lolo ng matanggap ang binigay na groceries ni Ramirez. Malaking tulong na din ito para sa kaniya at sa kaniyang pamilya na walang natanggap na ayuda mula sa gobyerno.

Maraming tao din online ang naantig sa sitwasyon ni lolo. Marami din ang humanga sa kabaitang ipinakita ng isang pulis, marami ang natuwa dahil may mga pulis pa din pala na katulad ni pulis Ramirez.

Nawa ay marami pang katulad ni Ramirez ang maging daan upang mabigyan ng tulong ang mga taong higit na nangangailangan na hindi naaabutan ng tulong ng ating g0byerno.

Post a Comment



close