Lolo na 80-anyos proud na nakapagtapos ng Junior High School

Lolo na 80-anyos proud na nakapagtapos ng Junior High School

Lolo na 80-anyos proud na nakapagtapos ng Junior High School

Viral sa isang post ang larawan ng isang matandang lalaki na nakasuot ng puting toga ang nagpa wow sa lahat ng mga nakakita nito.

Ang matandang lalaki sa larawan ay kinilalang si Teofilo Bonites Sr. o mas kilala bilang si tatay Philo. Marami ang humanga sa kaniya dahil sa edad niyang 80-anyos ay nakapagtapos siya ng Junior High. Nakapagtapos siya sa tulong ng DepEd Alternative Learning System sa Gasan District sa Marinduque.

Ayon kay lolo ay nais niyang tapusin ang kaniyang pag-aaral. Kung kaya't kahit na siya ay senior citizen na ay ipagpapatuloy pa rin daw niya ang kaniyang pag-aaral. Pangarap daw kasi niya na maging isang journalist balang araw kung kaya ay nagsisikap siya na makapag tapos.

Sa edad na 80-anyos ay natapos nga niya ang junior high at moving up na siya para sa kaniyang senior high.

Pinatunayan ni Lolo Philo na hindi hadlang ang edad sa taong may pagsusumikap at pangarap sa buhay. Napakalaking ehemplo ng istorya ni lolo Philo para sa mga taong hindi nakapagpatuloy ng pag-aaral lalo na sa mga kabataang naliligaw ng landas. Sana ay hindi natin sayangin ang oportunidad na ibinibigay sa atin na makapag-aral.

Post a Comment



close