Lalaki karga-karga ang sanggol na anak habang nagtitinda

Lalaki karga-karga ang sanggol na anak habang nagtitinda

Lalaki karga-karga ang sanggol na anak habang nagtitinda

Nag viral sa isang social media ang panawagan ng isang concerned citizen na nagbahagi ng kwento ng isang ama na kasama ang anak nitong sanggol sa kaniyang pagtitinda.

Ayon sa nagpost na si Cristima Magpuyo Birao,siya raw ay naglilibot sa baranggay Batasan Quezon City dahil parte ito ng trabaho niya na sitahin ang mga taong nasa bangketa na may nilalabag na batas.

At sa kaniya ngang pagmamasid ay nakita niya ang isang lalaki na si King Brian na kilala din sa pangalang Marian.

Ayon sa nagpost ay trabaho niya dapat sana na kunin at bigyan ng violation si Marian dahil sa pagtitinda nito na kasama ang isang buwan na sanggol. Ngunit ng marinig niya ang dahilan nito ay awa nalang ang kaniyang naramdaman.

Paliwanag umano ni Marian ay iniwan sila ng kaniyang asawa at tinangay pa nito ang isa nilang anak. Kung kaya ay sila nalang ng anak niyang sanggol ang naiwan, at upang mabigay ang pangangailangan ng anak ay napilitan nalang siya na dalhin ang sanggol sa kaniyang pagtitinda.

Wala siyang mapag iiwanan sa sanggol kung kaya ay wala siyang magawa kundi ang dalhin ito san man siya magpunta.

Makikita sa mga larawan na tanging sa stroller lang nakalagay ang paninda nilang mag ama para madaling makapamili ang mga mamimili.

Sa kaniyang post ay humingi si Birao ng tulong sa kung sino man ang may mabubuting puso na tulungan ang mag ama. Nais niya na mabigyan ng pagkakakitaan ang mag ama sa loob ng bahay nila ng hindi na nila kailanganin pang magtinda sa daan.

Post a Comment



close