"ULAN KA LANG, GURO KAMI!" Guro ,viral dahil sa sakripisyo makarating lang sa paaralan

"ULAN KA LANG, GURO KAMI!" Guro ,viral dahil sa sakripisyo makarating lang sa paaralan

"ULAN KA LANG, GURO KAMI!" Guro ,viral dahil sa sakripisyo makarating lang sa paaralan

Lubos na hinangaan ng mga tao ang isang guro kung saan ay sumugod ito sa ulan at putikan na daan para lang makapunta sa paraalang pinapasukan sa Sarangani, South Cotabato.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni teacher Michelle Buwuiran-Miguel,na basang basa siya sa ulan sakay ng kaniyang motor at ang daan pang papunta sa paaralan ay maputik din.

Ngunit bilang isang guro ay hindi ito hadlang para kay teacher Michelle. Sila ay may tungkuling ginagampanan at dahil sa balik-eskwela na kaya kailangan nilang paghandaan ang mga modules ng kanilang mga estudyante.

Bagamat siya ay basang basa sa ulan ay makikita mo parin na nakangiti ito. Agad ding namang pinunasan ng guro ang dala nitong laptop nang makarating sa isang bahay.

Ang iba rin sa kaniyang mga kasamahang guro ay basa rin ng ulan habang bitbit ang kanilang mga tsinelas. Gayunpaman ay itinuturing nila bilang magandang karanasan ang mabasa sa ulan at madumihan ng putik.

Sa probinsya ay kalbaryo pa rin ng mga guro at mga residente doon ang kalsada. May mga ilang lugar pa rin kasi ang hindi pa naaayos. Kung kaya naman ay pahirapan ang pagbiyahe dito tuwing umuulan dahil sa maputik at lubak-lubak na daan.

"ULAN KA LANG,TEACHER KAMI ! SULONG EDUKALIDAD!," ayon sa caption ng guro.

Maraming tao ang humanga at pumuri sa sakripisyong ginagawa ng mga guro. HIndi natin ito madalas makita sa mga social media kaya naman ay nakakabilib ang dedikasyon ng mga gurong tumutupad sa kanilang sinumpaang propesyon.

Humakot naman ng mahigit 9,000 shares at 10,000 reactions sa loob lang ng isang araw ang post ni teacher Michelle.

Post a Comment



close