Estudyante humingi ng tulong sa guro dahil wala ng makain

Estudyante humingi ng tulong sa guro dahil wala ng makain

Estudyante humingi ng tulong sa guro dahil wala ng makain

Sa isang post ni Ethan Andrew Calla sa kaniang social media account, kinuwento niya ang isang estudyante niya na naglakas loob na humingi ng tulong sa kaniya dahil sa wala na itong maipambili ng pagkain.

Ibinahagi ng kaniyang estudyante na wala na raw natira sa kaniyang kinita kung kaya ay wala na rin siyang pera upang makabili ng pagkain para sa kanilang magkapatid at ama na mahina na ang katawan.

Ang kaniyang ama ay wala na ring trabaho kung kaya ito ay namamasukan nalang bilang part timer na wala rin namang kasiguraduhan.

Sa awa ng guro ay nagpasya siyang ipamili na lang ng groceries ang estudyante para may maiuwi ito para sa kaniyang pamilya.

Labis ang pasasalamat ng estudyante ng maibigay ng guro ang mga bigay na groceries nito ng sila ay magkita.

Sa post ni Ethan, sinabi niya na lumalambot ang puso niya sa mga sitwasyong ganoon kung kaya naman ay ginawan niya agad ng paraan na makapagbigay ng tulong kahit na papaano.

Aniya ay mapalad pa rin siya sa kalagayan niya sa buhay na nakakaraos sa pang araw-araw na buhay.

Nilinaw din niya na ipinost niya ito hindi para magpasikat, nais lamang niya na magbigay ng kaalaman sa mga kapwa niya guro at sa iba pang tao.

"Everytime na nakatatanggap ako ng mga messages from my students like this, sobrang lumalambot ang puso ko. Yes, hindi natin sila responsibilidad and they are not requiring us to help them all the time,but there are instances na talagang lalapitan ka nila kasi alam nilang matutulungan mo sila. And without any hesitations, talagang pinaabot ko kung ano man ang makakaya ko."

 "I am lucky enough to eat 3 times a day, minsan pa nga more than that, but this kind of students needs more care,love and understanding. Kapag nalaman mo ang kwento nila, sobrang nakakamangha ang katatagan na meron sila sa murang edad. Kaya sana ay matulungan pa natin sila lalo na ngayong may pandemya."

 "I am not posting this for fame or what. I'm posting this to raise awareness especially sa mga kapwa ko guro and also para sa ibang tao na we can extend our hands/help for them. We are living in one sky, so please share your blessings."

 "Remember, no one is useless in this world who lightens the burdens of another, there is no exercise better for the heart than reaching down and lifting people up. When we give cheerfully and accept gratefully, everyone is blessed."

Post a Comment



close