Lolang umabot na sa 124-anyos, naabutan lahat ng Pangulo ng PIlipinas

Lolang umabot na sa 124-anyos, naabutan lahat ng Pangulo ng PIlipinas

Lolang umabot na sa 124-anyos, naabutan lahat ng Pangulo ng PIlipinas

Nag viral ngayon ang isang lola na mula sa Negros Occidental na kung saan ay umabot na siya sa edad na 124 taong gulang. Siya na ngayon ang kinikilalang oldest person living in the Philippines.

Siya ay si Lola Francisca Susano na taga Kabankalan, Negros Occidental ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan nito lamang Setyembre 11.

Maraming tao ang namangha ng malaman ang edad ni lola Isca. Subalit hindi lamang pala siya ang nakaabot sa ganitong edad dito sa ating bansa. Pati rin pala ang kaniyang anak na si Magdalena.

Si lola Magdalena ay 101 na rin ang edad. Labing apat umano sila na magkakapatid.

Ang sikreto umano ni lola Isca sa pagkakaroon ng malusog at malakas na pangangatawan ay ang kaniyang pagkahilig sa pagkain ng gulay at prutas. Hindi rin naman ito nakakapagtaka dahil nakaabot na si lola sa edad na 124 anyos.

Ang isa pa sa nakakamangha ay si lola Isca lamang ang kaisa-isang Pilipino na naabutan ang lahat ng labing anim na Presidente ng Pilipinas, magmula umano kay Pangulong Aguinaldo hanggang sa kasalukuyang termino ni Pangulong Duterte.

Si lola Isca ay ipinanganak noong Setyembre 11 taong 1897. Kung kaya naman ay nais ng kaniyang pamilya at ng mga tao na kilalanin siya ng Guiness Book of World Record bilang THE OLDEST LIVING PERSON.

Post a Comment



close