Bumbay nagbigay ng relief goods sa halip na maningil

Bumbay nagbigay ng relief goods sa halip na maningil

Bumbay nagbigay ng relief goods sa halip na maningil

Naging viral sa social media ang grupo ng mga bumbay matapos na sila ay mamigay ng mga relief goods sa kanilang mga suking customer at ilan pang mga pinoy.

Marami ang bumilib sa kanilang pagkakawang-gawa lalo pa at mahirap ang estado ng buhay ngayon dahil sa pand3myang ating kinakaharap.

Ang kanilang munting tulong ay napakalaking tulong na para sa ating mga kababayan na gipit ngayon.

Sila ay namahagi ng grocery items sa bawat bahay na kanilang madaanan. Laking pasasalamat naman ng mga taong nakatanggap ng mga ito na itinuturing nilang maagang aguinaldo.

Ang mga indianong bumbay ay kilala natin dahil sa kanilang negosyong pagpapautang.

Kapag ang mga pinoy ay gipit na at may mga bayarin, ang agad nilang takbuhan ay ang mga bumbay dahil sa mas mabilis nilang nakukuha ang perang kailangan nila. Hindi kasi tulad sa mga bangko at iba pang mga lending authorities na mahigpit ang mga requirements bago mo makuha ang loan na kailangan mo.

Marami naman ang natuwa at pumuri sa malasakit na ipinakita at ibinigay ng mga banyagang ito sa ating kapwa pilipino.

Post a Comment



close