Naging emosyonal si Rey Valera dahil sa nangyari sa bansa at ABS-CBN, "Parang naramdaman ko yung paghihirap natin lalo"

Naging emosyonal si Rey Valera dahil sa nangyari sa bansa at ABS-CBN, "Parang naramdaman ko yung paghihirap natin lalo"

Naging emosyonal si Rey Valera dahil sa nangyari sa bansa at ABS-CBN, "Parang naramdaman ko yung paghihirap natin lalo"

Hindi na napigilan pa ni Rey Valera ang maging emosyonal matapos nitong marinig ang awitin na isinulat niya na kinanta ng isang constestant sa noong time show ng It's Showtime sa ABS-CBN.

Ayon pa kay Rey Valera, na halos siya ay maiyak na matapos niyang marinig ang kanya na "Malayo pa ang Umaga" sa kadahilanang naalala niya ang paghihirap ng mga Pilipino ngayon.

"Maiiyak na ako kanina. Naawa ako sa Pilipinas. Parang nararamdaman ko yung paghihirap natin lalo," Ika ni Rey Valera

Naikumpara din niya ngayon ang kalagayan ng ibang bansa sa Pilipinas at sinabi niya na maayos ang lagay ng ibang nasyon.

Ayon pa kay Rey Valera nakadagdag pa sa kanyang kalungkutan ang pagsasara ng ABS-CBN. 

"Pag tayo nagaabroad, makikita natin sala salabat yung mga bubong. Pag pumunta ka ng ibang bansa, ayos na ayos. Tapos maaawa ka sa Pilipinas. Tapos makikita mo nangyayari sa ating lahat. Tapos itong ABS-CBN nagkaganito pa. In my own way, gusto kong suportahan sa about ng aking makakaya," Ika ni Rey Valera

Isa naman si Rey Valera sa mga sumusuporta ng buong puso sa ABS-CBN noong pinaguusapan pa lamang ang prangkisa nito.

Bilang isang mabuting host pinatatag naman ni Vice Ganda ang loob ng legendary OPM artist at sinabi niya dito na kailangan nilang maging matatag at positibo sa ganitong mga panahon.

Maalala na hindi nakuha ng ABN-CBN ang prangkisa ng Kapamilya Network ngayong taon dahil sa patong patong nitong akusasyon laban sa kanila.

Ipinipalabas naman ang ilang programa ng ABS-CBN sa tulong ng A2Z channel 11 na ang nagmamayari ay si Jesus is Lord founder Eddie Villanueva.

Post a Comment

close