Mag-ingat: Unan na binebenta sa murang halaga, used face mask pala ang laman

Mag-ingat: Unan na binebenta sa murang halaga, used face mask pala ang laman

Mag-ingat: Unan na binebenta sa murang halaga, used face mask pala ang laman

Binebentang unan, kaya pala mura dahil USED face masks ang laman ng mga ito.

Maliban na lamang sa possibleng magdala ito ng sakit na kumakalat ngayon dahil sa hindi kilala ang mga gumamit ng mga masks na ito ay maari ka ding magkaroon ng iba pang mga sakit dahil sa mga chemical at ingridients nito

Narito ang post ng isang netizen na nagngangalang Jovelyn Sarmiento Gabelo,

"Maging aware po tayong lahat sa mga bumili ng unan na nagkakahalaga lamang ng P50 sa mga naglako dyan. Ang laman po ng unan ay gamit na face masks! Maraming sakit po ang maari nating makuha dito. Isa na ang kumakalat na sakit ngayon."

Dagdag pa ni Gabelo, napabili silang magkakapitabahay sa Brgy. Uno Extension, Carmona Cavite.

"Nabiktima mga kapitbahay namin dito sa brgy UNO ext. Carmona Cavite.. Keep safe po sa lahat."

Sa isa pang post na ibinahagi ng netizen na si LC Bubot ang sabi niya.

"Hello good day! Nakita ko lang. Repurposing of face masks? Okay sana yung idea, basta siguro na disinfect/nalabahan yung mga face masks. Any thoughts on this?"

Post a Comment

close