172 Pesos na backpay ng isang Netizen, viral ngayon sa facebook

172 Pesos na backpay ng isang Netizen, viral ngayon sa facebook

172 Pesos na backpay ng isang Netizen, viral ngayon sa facebook

Kasalukuyang nagviviral ngayon sa facebook ang post ng isang Netizen na si Amir Jhon Tingdioco dahil sa ipinakita niyang chequeng natanggap mula sa kanyang agency.

Makikita sa litrato ang cheque ni Jhon na nagkakalaga lamang ng P172 ang kanyang backpay.

Ayon sa post niya ay mahigit dalawang taon na siyang nagtrabaho sa ahensya ay hindi daw tama ang ibinigay na backpay nito sa kanya na nagkakahalaga lamang ng 172 Pesos. 

Sinabi pa niya na dati ay nailapit na sa RTIA o "Raffy Tulfo In Action" ang ahensyang pinagttrabahuhan niya sa kadahilanang backpay din ang issue, naayos naman noon ngunit ngayon ay tila hindi nanaman tama ang kanilang ginagawa.

Dagdag pa niya na sana ibinigay na lamang sa kanya ng harapan ang P172.

Bago magtapos ang kanyang post siya ay nanawagan kay Raffy Tulfo upang makuha niya ang tamang backpay niya.

"HUMIHINGI PO AKO NG TULONG SA #raffytulfoinaction NA SANA AY MATULUNGAN NIYO PO AKO, ALAM KONG DI LANG AKO ANG NAKAKARANAS NG GANITO SA AGENCY NA ITO. NAWAY BIGYAN NYO PO AKO NG PAGKAKATAON NA MAIPALIWANAG NILA SAKIN NG MAAYOS BAKIT GANITO ANG GINAGAWA NILA SA MGA NAGING EMPLEYADO NILA," Ika ni Jhon Tingdioco

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 5.2k na reaksyon at 3.5k comments, 5.1k shares ang post na ito ni Jhon Tingdioco

Narito ang buong post ni Jhon Tingdioco:

"Asan ang hustisya sa ganitong Agency?

For more than 2 years of being Employee nyo itong Separation fee o backpay ko P172?

Last time balita ko napa Tulfo kayo then nagbigay kayo ng Backpay sa mga nagresign last year. Ngayon ganito ano to 'Pasensya na god bless"

May separation fee pang nalalaman P172 lang naman pala.

Sana binigay niyo nalang ng sakin ng barya baka maappreciate ko pa.

Laking tulong nito sa pamilya ko.

 HUMIHINGI PO AKO NG TULONG SA #raffytulfoinaction NA SANA AY MATULUNGAN NIYO PO AKO, ALAM KONG DI LANG AKO ANG NAKAKARANAS NG GANITO SA AGENCY NA ITO. NAWAY BIGYAN NYO PO AKO NG PAGKAKATAON NA MAIPALIWANAG NILA SAKIN NG MAAYOS BAKIT GANITO ANG GINAGAWA NILA SA MGA NAGING EMPLEYADO NILA"

Ayon naman sa ilang netizens na nagcomment sa post ni Jhon na baka raw siya ay may mga load o utang kaya ganoon ang natanggap niyang backpay.

Sabi pa ng iba ay may mga pagkakataon daw na may loan sa SSS/Pagibig ang ilang empleyado kaya maliit ang natatanggap nilang backpay.

Sumagot naman si Jhon na kailan man daw ay hindi ito nag load.

Narito ang komento ng ilang netizens tungkol sa post ni Jhon:

2 Responses to "172 Pesos na backpay ng isang Netizen, viral ngayon sa facebook"

  1. Mabuti kapa nga my natangap ng 172 pesos aq nga khit piso walaπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

    ReplyDelete
  2. Sana all, may P172 na natanggap.. RIP sa mga tulad Kong walang laman Ang bulsa��

    ReplyDelete

close