Nagsalita ang former actress na si Francine Prieto at inilabas ang kanyang pagka anti-Duterte matapos niya itong batikusin ang Presidente sa Twitter.
Isang araw bago ang schedule ng paglalabas ng fifth State of the Nation Address o (SONA), Sinabi ni Prieto na hindi gumagawa ng aksyon ang mga Pilipino kahit marami na itong nagawang hindi maganda sa kanila.
Pahayag ni Prieto sa Twitter:
"Sa totoo lang, ang bait nating mga Pilipino. Tinatar*nt@do na tayo, ginag*go na tayo, umaalma lang tayo. Grabe tayo magtiis. Ninanâkawan na tayo, pero pinipilit pa rin nating intindihin sila. Kung iba yan, sinunog na buildings, properties ng taga gobyerno o pinâtay na sila," Sabi ni Prieto
Hiniling din ni Francine Prieto na sana ay magresign na ang Presidente at minaliit niya pa si President Duterte na parang wala umanong abilidad ang Presidente na patakbuhin ang bansa.
"Sana magresign na siya ngayong 2020. Hanggang pang-mayor lang siya, hindi kaya maging presidente. Isama narin yung mga nakapaligid sa kanya," Dagdag pa niya
Isang araw pagtapos niyang ipost ang mga tweet, ipinahayag ni Prieto ang kanyang pagkadismaya sa mga paksa na pinagusapan sa SONA.
Sa iba nitong tweet, sinabi niya Prieto na ang mga militar ay hindi kailangan sa kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas.
Sabi niya na dapat ay experts ang humawak at hindi ang mga taong militar.
"Yes we deserve better. Unahing palitan ng totoong experts. No offense to the military men pero hindi sila yung kailangan,"
Hindi naman ito ang unang beses na hiniling ni Prieto na magresign na si President Duterte sa posisyon nito.
Noong Mayo, sinabi din ng Former Actress na mas maganda kung magresign na ang chief executive o kaya naman ay hayaan na lamang si VP Leni Robredo na maghandle ng problema ng bansa.
"Hindi kaya ni Presidente Duterte mamuno sa atin, sana nagresign nalang siya. O kung ayaw magresign sana ipinasa nalang niya kay VP Leni itong COVlD issue kahit nung April, mas may plano at marami pang nagawa ang OVP," Yan ang mga sinabi ni Prieto sa tweet.
Post a Comment