5 taong gulang na batang babae, araw-araw hinahatid-sundo ang bulag na ama sa trabaho

5 taong gulang na batang babae, araw-araw hinahatid-sundo ang bulag na ama sa trabaho

5 taong gulang na batang babae, araw-araw hinahatid-sundo ang bulag na ama sa trabaho

Mabilis na nag viral ang video ng mag ama na tila ay inaakay ng batang babae ang ama nito na may kapansanan sa paningin. Sa video ay makikita kung paano alalayan ni Jenny (ang 5 taong gulang na bata) ang kaniyang ama na bul4g gamit lamang ang stick.

Kinilala ang ama ni Jenny na si Nelson "dodong" Pepe. Nagtatrabaho si Nelson sa isang niyugan sa kanilang lugar. Kinakailangan umano nitong makaakyat ng 60 na puno ng niyog para kumita ng P300 sa loob ng isang araw.

Makikita rin sa larawan na walang suot na tsinelas ang mag-ama habang binabaybay nila ang mabato at matarik na daan.

Dahil sa kumalat na video ng mag ama ay marami ang naantig sa kwento nila at higit sa lahat ay maraming pribadong tao at organisasyon ang nag nais na tulungan ang mag ama.

Isa nga ang ABS-CBN Foundation sa nag abot ng tulong sa mag ama. Pinaluwas ng ABS-CBN Foundation si Tatay Nelson sa Maynila at doon ay natuklasan ng mga Doktor na mayroon siyang "RETINAL DETACHMENT" at "Retinitis".

Ipinahayag din ng ABS-CBN Foundation na tutulungan nila ang pamilya ni Nelson na magkaroon ng "Livelihood Training" at malipat sa mas ligtas na lugar ang kanilang tirahan.

Marami na ding natanggap na tulong ang pamilya ni Nelson na labis nilang pinasasalamatan dahil hindi na sila masyadong nahihirapan sa pang araw-araw na buhay.

Post a Comment



close