Willie Revillame, pinapatira si Herlene Budol "HIPON GIRL" sa kaniyang Wil Tower !

Willie Revillame, pinapatira si Herlene Budol "HIPON GIRL" sa kaniyang Wil Tower !

Willie Revillame, pinapatira si Herlene Budol "HIPON GIRL" sa kaniyang Wil Tower !

Isa si Herlene Budol o mas kilala bilang si "Hipon" sa Top 40 candidates ng Binibining Pilipinas 2022. Siya ang lalahok bilang representative ng Angono Rizal. Si Herlene Budol ang Binibini 8 sa darating na Binibining Pilipinas 2022.

Si "Hipon Girl" ay nakilala sa programa ni Willie Revillame "kuya Wil" na Wowowin ng sumali ito sa "willie of fortune" isang sikat na segment sa nasabing show. Dahil sa angking husay sa pagpapatawa ay umingay nga ang pangalan ni Hipon Girl at dahil dito ay pinalad din siya na mabigyan ng malaking break ng gawin siyang co-host ni Kuya Wil.

Muling nagkasama ang dalawan sa isang panayam kung saan ay nabanggit nga ni kuya wil na bibigyan niya muna ng matitirhan si Herlene Budol "Hipon Girl" bilang paghahanda sa Binibining Pilipinas. 

Ayon kay Kuya Wil ay mas komportable para kay "Hipon Girl" na manatili muna sa isang gusali na pag mamay ari niya dahil ito ay malapit sa siyudad. Bilang paghahanda daw sa Binibining Pilipinas ay marami itong pinupuntahan at inaasikaso, kung kaya ay mas makakatipid nga naman ito sa gastusin sa gas at makakapagpahinga din agad kung ito ay titira malapit sa siyudad.

Kilala si Kuya Wil bilang isang batikang host at businessman at isa nga sa mga negosyo nito ay ang Wil Tower na pag mamay ari ni kuya Wil.

Hindi lang alok na pabahay sa Wil Tower ang ibinigay na suporta ni Kuya Wil kay Hipon. Dahil ayon pa sa kanilang panayam ay nagbigay din ang batikang host ng payo sa kaniyang dating co-host na si Hipon.

" Be your self. Kung ano ang nasimulan mo sa `wowowin',kung sino at ano ka iyon ka. Kapag tinanong ka ng English, mayroon kang interpreter. (pabirong sabi nito kay hipon) Joke lang iyon, pero Just Be Yourself".

Binigyan din nito si hipon ng halimbawang pagsagot sa question and answer.

"I am a Filipina. Gusto ko sagutin ito na para maintindihan ng aking mga kababayan. Hindi pa naman ako winner e, gusto kong sumagot ng kung ano ako at kung anong dapat nilang maintindihan". saad ni kuya wil.

Ayon pa kay kuya Wil ay proud daw siya kay Hipon kahit Top 10 at kung maka tsamba pa nga daw ay mapasok sa Top 5. Basta magiging totoo at ipakita lang daw ni Hipon kung sino siya ay masaya na ito.

Marami ang bumatikos kay Herlene ng lumansa ang balita na isa siya sa lalahok sa Binibining Pilipinas. Ngunit hindi ito ang sisira ng mga pangarap ni Herlene, lalo lamang lumakas at tumibay ang loob nito na harapin ang kaniyang pangarap lalo na sa suportang ibinibigay sakaniya ng itinuring niyang kuya sa industriya at ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kaniya.

Kung kaya tuloy lang ang laban ni Hipon Girl sa pag abot ng kaniyang mga pangarap at isa na nga dito ang pinapangarap niyang maging isang BEAUTY QUEEN.

2 Responses to "Willie Revillame, pinapatira si Herlene Budol "HIPON GIRL" sa kaniyang Wil Tower !"

  1. Nabudol sila konwary matutulog sa labas para kaawaan bigyan ng bahay

    ReplyDelete



close