Dahil Hindi Napagbigyan ang Hinihingi nyang S26 na Gatas, Babae Nag-maldita, Hiniling na Magkasakit ang Magbibigay Sana ng Tulong sa Kanya

Nag viral sa social media ang pag uusap sa facebook messenger sa pagitan ng dalawang babae. Ang isa ay nagmamagandang loob lang na magbigay ng tulong sa abot ng kaniyang makakaya at ang isa naman ay ang demanding at choosy na humihingi ng gatas para sa kaniyang anak.

Ibinahagi ni Daisy Andal sa kaniyang social media account ang screenshots ng pag-uusap ng dalawang babae. Mababasa dito na tila ay nagrereklamo pa ang babaeng humihingi ng tulong at tila ito ay galit pa na inaaway ang taong handang tumulong sa kaniya.

"Nakita ko lang ang mga ito sa isang group toxic. Wala naman sanang masama sa paghingi lalo na sa panahon ngayon, pero yung meron na ngang willing na tumulong tapos demanding ka pa at ikaw pa ang nag iin4so jusmiyo. Goodluck sayo ateng."

Sa umpisa ng pag uusap ng dalawa ay maayos pa namang nagtatanong ang babaeng humihingi ng gatas ngunit ng sabihin sakaniya na hindi nila afford ang hinihingi niyang klase ng gatas ay nagalit na siya dito at inaway pa ng bongga.

Hindi pa siya nakuntento sa panlalait niya sa babaeng handa lamang siyang tulungan ay hiniling pa niya na sana ay magkaroon umano ito ng c0rona v1rus.

Umani ng maraming reaksiyon ang post na ito mula sa mga taong nakabasa. Inulan din ng galit ang babaeng nag maldita at marami din ang uminit ang ulo dahil sa inasal nito.

Post a Comment

close