Mangyan na Scholar ni Jounalist Kara David, Lisensyadong Guro na !

Mangyan na Scholar ni Jounalist Kara David, Lisensyadong Guro na !

Mangyan na Scholar ni Jounalist Kara David, Lisensyadong Guro na !

Ang pag-gawa at pag-sulat ng mga dokumentaryo na nagpapakita ng iba't-ibang kwento at suliranin ng lipunan ay isa sa mga trabaho ng isang publisher lalo na kung ito ay nagtatrabaho sa isang kilala at malaking TV Network sa bansa.

Isa si Kara David sa mga Journalist na hindi lamang sa Pilipinas kilala ngunit maging sa ibang mundo dahil sa mga dokumentaryo na ginagawa niya.

Dahil sa mga dokumentaryo na sinusulat niya ay napag tanto niya na maraming kabataan pa ang nangangailangan ng tulong lalo para makapag-aral, lalo na sa mga katutubong mangyan.

Dahil nga dito ay nagbuo ng programang Scholarship si Kara David at ito nga ay ang PROJECT MALASAKIT at ilan sa mga kinuha niyang scholar ay mula sa mga katutubong Mangyan.

At nito nga lang ay isa sa kaniyang mga scholar mula sa Indigenous tribe sa Mindoro ang ngayon ay isa ng ganap na guro matapos na makapasa sa Licensure Exam for Teachers(LET).

Proud at masayang ibinahagi ni Kara David sa kaniyang Instagram post ang mga larawan ni Patrick Reyes na kaniyang scholar at ang larawan ng mga pangalan ng pumasa sa LET kung saan ay nandoon ang pangalan ni Patrick.

Ayon sa dokumentaryo ay nakilala ni Kara David si Patrick noong siya ay nagsho-shoot ng dokumentaryo tungkol sa buhay ng mga Mangyan at doon nga ay binahagi ni Patrick na simula pa noong bata pa siya ay pangarap na niyang maging isang guro upang matulungan niya ang mga kapwa niya Mangyan na hindi makapag-aral dahil sa hirap ng buhay.

"I met Patrick many years ago when I did a documentary on the indigenous people of Mindoro,the Mangyan tribe. Patrick comes from a very poor Mangyan Family. He is a hardworking young man who dreams of becoming a teacher to help spread the gift of education to his community," pagsasad ni Kara.

Hindi rin nakalimutan ni Kara na pasalamatan ang mga taong walang sawang sumusuporta at tumutulong sa kaniyang programa upang makapagbigay ng Scholarship sa mga kabataang nangangailangan.

"Salamat sa lahat ng donors at higit sa lahat salamat sa Pnaginoon sa biyaya ng malasakit."

Ang Project Malasakit ay tinatag ni Kara David noong taong 2002 upang matulungan ang mga batang gustong makapag tapos ng pag-aaral ngunit hindi makapag aral dahil sa hirap ng buhay.

Tumatanggip ng Donation ang PROJECT MALASAKIT upang makatulong sa pag-aaral ng mga scholar nila mula sa Elementarya hanggang Kolehiyo.

Noong 2006 ay isang Mangyan din ang kauna-unahang scholar ng Project Malasakit ang gumraduate at ito nga ay si Myra Demillo.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng tao sa nasabing post ni Kara David:

Post a Comment



close