Isang may k4p4ns4n4n sa pag-iisip nagbigay ng 80 na box ng crayola sa isang paaralan sa Aklan"

Isang may k4p4ns4n4n sa pag-iisip nagbigay ng 80 na box ng crayola sa isang paaralan sa Aklan"

Isang may k4p4ns4n4n sa pag-iisip nagbigay ng 80 na box ng crayola sa isang paaralan sa Aklan"

Ilang taon din ang nagdaan simula noong huling pasok ng mga estudyante sa kanilang paaralan. Dahil sa nasabing pand3m1c na ating naranasan ay nagsimulang mag-aral ang mga bata ng modular at online class lamang.

At nito ngang Agosto 2022 ay masayang nagsibalik sa paaralan ang mga bata. Kung sa nakalipas na ilang taon ay sa online lang nila nakikita ang kanilang mga guro at kaklase o ang iba naman ay gumraduate ng hindi man lang nila nakita ang kanilang mga guro at kaklase, ngayon ay masaya na silang papasok sa paaralan upang matuto na kaharap na nila ng personal ang kanilang mga guro at kaklase.

Dahil sa muling pagbubukas ng mga paaralan ay marami din ang nagbigay ng tulong sa mga paaralan para sa muling pagsisimula ng klase ng mga bata. Nagbigay din ng financial na suporta ang DSWD para sa mga estudyante na muling magbabalik eskwela para makatulong sa pambili ng kanilang mga gamit sa paaralan.

Marami namang netizen ang natuwa sa post ng isang guro mula sa Calizo Elementary School sa Balete, Aklan. Sa post ay ibinahagi ni Teacher Juliet Justo kung paano sila nakatanggap ng libreng mga "CRAYOLA".

Ayon sa post ni Teacher Juliet sa kaniyang facebook account ay natanggap nila ang mga crayola mula kay Christoper Francisco na may sakit na @ut1sm with high IQ.

Sa pahayag ni Teacher Juliet, sa loob daw ng 3 taon ay mahilig na manghingi ni Chris ng 5 piso sa mga kakilala nito ngunit hindi naman daw ibinibili ng kung ano. Kung kaya laking gulat daw nila ng magpunta ito sa kanilang paaralan na may bitbit na sako na naglalaman ng 80 na box ng crayola.

"Mahilig siya humingi ng tig-5 pesos sa mga kakilala niya. Inipon niya pala ng mahigit na tatlong taon simula noong nag p4nd3m1c yung mga pera na hiningi niya. At ibinili niya ng mga crayola para daw sa pagbubukas ng klase ay mayroon siyang maipamigay sa mga bata", kwento ni Teacher Juliet.

Nagbilin din daw si Chris na ibigay ang mga crayola sa mga estudyante na lubos na nangangailangan. Maluha-luha din umano sila ng kaniyang mga kapwa-guro ng tanggapin nila ang mga crayola mula mismo kay Chris.

"Hindi po kami makapagsalita tapos nagtinginan kami nung makita namin ang laman ng dala niyang sako, hindi namin namalayan na umiiyak na pala kami."

"Hindi rin talaga namin inaasahan at mapagtanto na sa kabila nga kaniyang kalagayan ay naisip niya pa po talaga na magbigay," dagdag pa ni Teacher Juliet.

Sa kabila ng kalagayan ni Chris ay ipinagmamalaki naman siya ni Teacher Juliet na kahit hindi siya nakapag-aral ay magaling umano ito na magbasa at mahilig din na magdrawing.

Nakakatuwa at nakakabilib ang pinamalas na kabutihan at pagiging mapag bigay ni Chris. Dahil hindi naging dahilan ang kalagayan niya upang makapag bigay ng tulong sa mga bata, sa loob ng 3 taon ay masaya siyang inipon ang mga 5 piso na binibigay sa kaniya na kung tutuusin ay pwede naman niyang ibili ng sarili niyang pangangailangan ngunit  mas inuna pa niyang isipin na makapagbigay sa ibang tao.

Sobrang nakakataba ng puso na makakita at makabasa pa ng mga ganitong kwento ng kabayanihan. Sana ay dumami pa ang katulad ni Chris na bukas ang palad upang tumulong sa iba. Nawa ay pagpalain pa at gabayan ng Diyos si Chris dahil siya ay may mabuting puso.

Post a Comment



close