Isa pang tagapag mana ni Kuya Wil, usap-usapan ngayon dahil sa taglay na kagandahan nito

Isa pang tagapag mana ni Kuya Wil, usap-usapan ngayon dahil sa taglay na kagandahan nito

Isa pang tagapag mana ni Kuya Wil, usap-usapan ngayon dahil sa taglay na kagandahan nito

Kilala si Kuya Wil o Willie Revillame sa larangan ng showbiz dahil isa siya sa mga batikang aktor na bukas palad para sa mga mahihirap. Si Kuya Wil ang host sa kaniyang programa na "WOWOWIN".

Dahil laki rin sa hirap ay ramdam din daw ni Kuya Wil ang paghihirap ng ating mga kababayan na lumalapit sa kaniyang programa upang humingi ng tulong.

Lagi niyang nababanggit sa kaniyang programa ang kwento ng kaniyang buhay noong siya ay nagsisimula pa lang.

"Na-experience ko na nakatira ako sa nanay ko na iba ang asawa. Nakatira ako sa tatay ko iba din ang asawa. Babalik ako sa nanay ko iba ang asawa. Halos nabuhay ako ng mag-isa".

"Hindi ko makakalimutan yung Bustamante Street. Barker ng Jeep, Meycauayan-Malinta. Pagkatapos naglilinis ako ng Jeep, naglilinis ako ng jeep yung krudo . Alam mo yun yung lagayan ng mga langis, may basahan ako . Bibili ako sa palengke, ku-kruduhan mo yung jeep," kwento ni Kuya Wil.

Unti-unting naging tanyag si Kuya Wil sa larangan ng showbiz dahil sa angking talento na taglay nito at dito ay nagsimula na siyang yumaman.

Marami ang naging karelasyon ni Kuya Wil at isa nga sa kilala din sa showbiz industry ay ang naging anak niya na si Merylle Soriano sa dati niyang karelasyon na si Bec-Bec Soriano.

Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay mayroon pang isang anak si Kuya Wil na napakaganda din at ito nga ay si Marimonte Shanelle Viduya Revillame.

Naging anak ni Kuya Wil si Marimonte sa dati din nitong nakarelasyon na non-showbiz na si Sharon Viduya.

Makikita sa mga larawan ang taglay na mala-artistahin looks ni Marimonte ngunit hindi pa umano nito naiisipan na pasukin ang mundo ng showbiz.

Hindi naman tinalikuran ni Kuya Wil ang kaniyang responsibilidad sa kaniyang anak na si Marimonte kahit pa hindi sila madalas nagkakasama nito.

Isa si Marimonte sa mga anak ni Kuya Wil na tiyak na magmamana ng mga naipundar ng aktor. Tiyak naman na masisiguro na ang future ng mga ito dahil sa kasipagan ng kanilang ama.

Post a Comment



close