Dating sikat na artista na si Cynthia Luster, ano na nga ba ang buhay ngayon matapos iwan ang mundo ng showbiz?

Dating sikat na artista na si Cynthia Luster, ano na nga ba ang buhay ngayon matapos iwan ang mundo ng showbiz?

Dating sikat na artista na si Cynthia Luster, ano na nga ba ang buhay ngayon matapos iwan ang mundo ng showbiz?

Maraming nagtatanong kung nasaan o kung ano na kaya ang nangyari sa dating sikat na artista at isang magaling na martial artist na si Yukari Oshima o mas nakilala sa pangalang Cynthia Luster.

Noong panahon ng dekada nobenta(90's) ang isa sa pangunahing libangan ng mga tao noon ay ang pakikinig ng radyo, pagbabasa ng dyaryo at panunuod lamang ng telebisyon dahil noong mga panahon na iyon ay wala pang mga gadgets at social media.

Noong mga panahon na iyon ay naging popular ang action team asia na palabas kung saan ay sumikat ang mga artistang sila Bruce Lee, Jackie Chan, at Jet Lee sa mga pelikula na may martial arts at Kung Fu.

Marami ang sumubok na makapasok sa industriya ng showbiz dahil naging inspirasyon sila noong panahon ng kanilang kasikatan.

Si Cynthia Luster na isang Japanese aktres ay ipinanganak noong December 31,1963. Siya ay isang Japanese Nationality dahil sa ang kaniyang ama ay isang matagumpay na Japanese Businessman at ang kaniyang ina naman ay isang fashion designer din sa Japan.

Bago pa man naging matunog ang pangalan ni Cynthia Luster dito sa ating bansa ay mas nauna na siyang sumikat sa Hongkong dahil sa kaniyang mga ginampanan na action movies doon.

Dahil sa kaniyang taglay na talento noong kapanahunan niya ay kinilala rin siya bilang isang Japanese Brightness Female Martial Artist.

Si Cynthia Luster ay nag-aral sa kanilang bansa ng martial arts kung kaya naman ay tila sanay na sanay na siya sa kaniyang mga galawan sa pelikula.

Si Cynthia Luster ay unang nakilala bilang isang kontrabida sa palabas na "BIOMAN" na paboritong panoorin ng mga kabataan noon.

Lumipas ang ilang mga taon ay humina na ang karera niya sa Hongkong kung kaya naman ay naisipan niyang magtungo dito sa Pilipinas upang magsimula muli ng kaniyang karera.

At noong dekada nobenta(90) nga ay agad naman naging matunog ang kaniyang pangalan sa Pilipinas dahil sa angkin at natural nitong talento sa martial arts.

Ilan sa pelikulang nagawa ni Cynthia Luster sa ating bansa ay ang "Once Upon A Time In Manila" kung saan ay kasama niya rito ang kilalang aktor at komedyante na si Vic Sotto.

Nagpasya si Cynthia Luster na bumalik sa kanilang bansa sa Japan matapos na humina ang kaniyang karera sa Pilipinas. At doon nga ay permanente na siyang manirahan kasama ang kaniyang mga magulang at kamag-anak.

Tahimik at masaya na ang kaniyang buhay sa Japan, nag retiro na ito ngunit aktibo pa din sa pagsulong ng turismo sa kanilang bansa.

Sa kasalukyan ay co-founder at teaching staff na din siya ng Yukari Oshima Action School kung saan ay nagtuturo siya ng mga training para sa mga kabataan na nais pasukin ang action movie.

Kahit na humina sa kaniyang karera sa showbiz industry ay kahanga hanga at nakakatuwa pa ding isipin na ninais pa rin ni Cynthia Luster na ipasa ang kaniyang mga kaalaman sa mga kabataan ngayon na nais ding pasukin ang martial arts.

Post a Comment



close