Mag-ama na pulubi at gutom na gutom, pinakain ng hindi kilalang babae sa Jollibee

Mag-ama na pulubi at gutom na gutom, pinakain ng hindi kilalang babae sa Jollibee

Mag-ama na pulubi at gutom na gutom, pinakain ng hindi kilalang babae sa Jollibee

Viral ngayon sa social media ang ginawa ng isang babae na ito, matapos siyang magpamalas ng kabutihang loob at inilibre nito ng makakain ang mag amang pulubi na gutom na gutom na. 

Napakaraming netizens ang humanga sa kanyang ipinamalas, dahil kahit hindi nito kilala ang mag ama ay hindi ito nag dalawang isip na tulungan ito.

Ayon sa facebook post ng isa nating netizen na si Alexiefe Cataquiz, ay nakita ng babae ang magama na namamalimos sa labas ng ipinakitang fastfood sa larawan kaya't hindi ito nagdalawang isip na papasukin ang mga ito at ilibre ng makakain, 

Ayon pa sa post ay madaming tao ang umiiwas sa mag-ama dahil sa kanilang mga itsura at ang babae lamang na ito ang naglakas loob na sila ay tulungan.

Gutom na gutom pala ang mag-ama dahil sa layo ng kanilang pinanggalingan at sila pala ay naglalakad lamang dahil wala silang pambayad sa pamasahe.

"Sya po yung tululong sa mag-ama na nagugutom, may nakita syang namamalimos sa labas ng jolibee, yung iba umiiwas , yung iba naman ay pinagtatabuyan sila dahil sa kanilang mga itsura. Gutom na gutom na daw ho sila dahil sa layo ng kanilang pinanggalingan." Sabi ni Alexiefe sa post

Dahil sa kabaitang taglay ng babaeng ito ay pinapasok, inasikaso at inorderan pa niya ito ng pagkain at binigyan ng kaunting pera para mas mabilis silang makarating sa kanilang pupuntahan.

"Itong si Ate naawa kaya pinapasok niya sa Jolibee, inorderan ng pagkain, inasikaso at binigyan pa nya ng kaunting pera para sa pamasahe," Ika pa ni Alexiefe

Naguumapaw naman ang pasasalamat ng matandang lalaki kay ate dahil sa pagpapakita nito ng pagmamalasakit sa kanila kahit na ganoon lamang ang kanilang itsura.

"Labis ang pasasalamat ni tatay kay ate dahil sa pagmamalasakit at kabutihang ginawa nito sa kanila. Kung sino man po itong ginang na ito, Saludo kami sayo! Nawa'y pagpalain ka pa ng poong may kapal.." dagdag pa ni Alexiefe.

Narito ang buong post ni Alexiefe sa ibaba:

"Guys... pasikatin nating itong babae..."

"Sya po yung tumulong sa mag-ama na nagugutom, may nakita syang namamalimos sa labas ng jolibee, yung iba umiiwas at yung iba naman ay pinagtatabuyan sila dahil sa kanilang itsura. Gutom na gutom na daw po itong mag-ama dahil sa layo ng kanilang nilakad, wala silang pera para sa pamasahe. Pero itong si ate naawa kaya pinapasok niya sa jolibee at inorderan niya ito ng pagkain, binigyan pa niya ito ng kaunting pera para mayroon silang pamasahe at mabilis makarating sa kanilang pupuntahan. Labis naman ang pasasalamat ni tatay kay ate dahil sa pagmamalasakit at kabuting ginawa sa kanila..Kung sino man po itong ginang na ito, saludo kami sayo! Nawa'y pagpalain ka pa ng poong may kapal.."

Dahil dito ay binaha ng positibong mga komento at reaksyon mula sa mga netizens sa ginawang kabutihan ni ate.

"Kung sobra nasa bulsa mo pamigay wag mo ipagdamot sa mga taong nangangailangan dahil lahat ng naitulong mo ay babalik din sayo ng sobra sobra pa.."

"Godbless sayo ate, sana marami pang katulad mo ang nagpapahalaga sa mga taong pinagkaitan ng konting biyaya."

"Godbless po sister. You care and love sa mga tao na mahirap at nangangailangan ng tulong.

Post a Comment



close