7 taong gulang na bata matiyaga na inaalagaan ang paralisadong ama matapos iwanan ng kaniyang ina

7 taong gulang na bata matiyaga na inaalagaan ang paralisadong ama matapos iwanan ng kaniyang ina

7 taong gulang na bata matiyaga na inaalagaan ang paralisadong ama matapos iwanan ng kaniyang ina

Isang Grade 1 student ang mag-isang nag-aalaga sa kaniyang paralisadong ama matapos na iwanan sila ng kaniyang ina.

Sa baryo ng Wangpu sa Guizhou province, Southwest China, nakatira sina Ou Yanglin 7 at ang kaniyang ama.

Mag isang inaalagaan ni Yanglin ang kaniyang ama kung kaya't ay alas 6 palang ng umaga ay kailangan na niyang gumising upang makapaghanda.

Natutunan na ni Yanglin ang mga gawaing bahay at pati pamamalengke kahit sa murang edad pa lamang dahil.

Napakabait at napakatiya ng batang si Yanglin dahil bago pumasok sa eskwelahan ay papakainin muna niya ang kaniyang ama.


Ang ama ni Yanglin ay si Ou Tongming 37, ito ay naging paralisado simula pa noong June 2013, dahil sa pagkakalaglag nito mula sa second floor ng isang bahay na under construction.

Si Tongming ay nagkaroon ng injury sa kaniyang likod kaya siya ay paralisado mula bewang pababa.

Matapos na maubos ang naipong pera nila Tongming ay iniwan naman sila ng asawa nito at isinama pa ang anak nilang babae.

Simula ng iwanan sila ng kaniyang asawa ay mag isa na lamang siyang inaalagaan ng kaniyang anak na si Yanglin. Pagkatapos ng eskwela nito ay naghahanap ito sa bangketa ng mga pwede niyang ibenta.

"My father needs medicine,but I dont have any money," Yanglin.

Pag uwi ni Yanglin ay lalagyan niya mismo ng gamot ang likod ng kaniyang ama. Nagkaroon na kase ito ng bedsores na nauwi sa pagiging "ulcerated" dahil sa lagi lamang siyang nakahiga. Ang infectiong ito ay umabot na raw sa kaniyang pelvis.

Bilang ama ay nakakadurog sa puso na makitang nahihirapan ang kaniyang anak dahil sa kanya, alam daw ni Tongming ang hirap na dinaranas ng kaniyang anak. Naisipan na rin daw niya na wakasan ang kaniyang buhay ngunit hindi niya ginawa dahil sa ayaw niyang maiwan mag isa ang kaniyang anak.

Samantala naman ay gusto ni Yanglin na siya ay lumaki na agad upang makapag ipon ng pera at maipagamot ang kaniyang ama.

"I can't live without my father," sabi ni Yanglin.

Tunay nga na mawerte ang mga batang ipinanganak na mayroong mapagmahal na magulang. Ngunit mas maswerte ang mga magulang na magkaroon ng anak na maalagain, mapagmahal at marespetong anak.

Dahil sa nakakaantig na istorya ng buhay ni Yanglin ay marami ang natuwa dito ay mayroon ding nag gawa ng charity fund para tulungan ang mag ama.

Post a Comment



close