Lalaki, sinwerte nakakita ng wallet na naglalaman ng $4,000 o mahigit P200k galing sa damit ukay-ukay

Lalaki, sinwerte nakakita ng wallet na naglalaman ng $4,000 o mahigit P200k galing sa damit ukay-ukay

Lalaki, sinwerte nakakita ng wallet na naglalaman ng $4,000 o mahigit P200k galing sa damit ukay-ukay

Viral ngayon sa facebook ang kwento na ito ng isang lalaki na sinwerte at nakakita ng isang wallet at maylaman na nagkakalahalagang $4,000 mula sa mga lumang damit na nabili niya sa halagang $24 o P1,000 sa Pilipinas. 

Plano naman ni Adam Wan, 29 years old, na magtayo ng kanyang sariling "thrift shop" o kung tawagin natin ay "Ukay-ukay". Kaya naman nagpupunta siya sa isang warehouse para makabili ng mga damit na kanyang namang ibebenta din. Ilang beses na rin daw siyang bumili ng damit sa warehouse at tila talagang maswerte siya dahil isang araw nakakuha siya ng pera sa isang pantalon.

Noong January ay nagtungo muli si Adam sa nasabing warehouse. Dito ay bumili siyang ng dalawang bundle ng damit at binayaran niya ito ng 24$ o 1000 pesos sa Pilipinas. Bumalik siya sa tindahan niya at sinimulan ngang ayusin ang mga binili niyang mga damit.

Sa pag aayos ni Adam ng kanyang mga napamiling damit ay laking gulat niya ng may makitang sa loob ng bulsa na itim na pitaka. Nadiskubri niya din na punong puno ng pera ang laman ng itim na pitaka. 

Narito ang pahayag ni Adam ng makita niya ang wallet na naglalaman ng limpak limpak na salapi: 

"I was shocked to see so much cash in it and after counting the money, I took some pictures and uploaded in on Facebook at 9:20 pm."

Dagdag pa niya na gagamitin niya itong pera para mapaunlad ang kanyang sariling negosyo balang araw.

"I've changed 450,000 yen into local currency (approx. RM 17,800 or $4,150) and the rest will be kept as memory. I will use the money to expand my business in the future."

Iba iba naman ang naging reaksyon at mga komento ng ating mga netizens matapos magviral ang post ni Adam. May ilan din sa kanila na humanga at ang iba ay parang naiinggit dahil maswerte daw si Adam at nakakita siya ng ganito kalaking halaga.

May ilan namang Netizens ang nagsasabi na dapat ay ibinigay niya ito sa awtoridad upang hanapin ang tunay na nagmamay-ari nito.

Post a Comment

close