Driver na may sakit, naglagay ng note sa kanyang likuran, umani ng simpatya sa mga netizens

Driver na may sakit, naglagay ng note sa kanyang likuran, umani ng simpatya sa mga netizens

Driver na may sakit, naglagay ng note sa kanyang likuran, umani ng simpatya sa mga netizens

Punuan ang mga kalye sa Maynila maging sa ibang bayan sa buong bansa, maraming motorista ang nagmamadali para mapuntahan ang kani kanilang mga destinasyon kaya naman mga ilan sa kanila na hindi nakakapaghintay sa mga "Slow" drivers na nasa daan. Madami ang mabilis magalit lalo na kung rush hour at uwian. 

May isang driver na pumasok kahit siya ay mayroong sakit, kahit alam na niya na maraming magagalit sa kanya sa pagiging mabagal niya sa daan. Kaya naman kahit alam niyang may mga magagalit sa kanya ay hindi niya pinwersa ang kanyang sarili dahil alam niyang maari siyang maaksidente dahil sa hindi maganda ang kanyang kondisyon.

Kaya naman nagpasya ang rider na ito na magdikit ng note sa kanyang likod para ipaalam sa ibang mga driver ang kanyang kondisyon at para mapasabi na din na sila ay magovertake na lamang. Naglagay din siya ng paumanhin sa likod para sa abalang maari niyang maidulot.

Nagviral ang post na ito ni Aizel Lezia: 

"Nakita ko lang kagabi sa kahabaan ng traffic sa Commonwealth Ave. Nawala ang panandaliang pagod namin sa nakadikit kay manong.. Get well po and Keep safe manong.." Ika ni Lezia

Kahit hindi nakuha ni Lezia ang pangalan ng driver ay umani naman ito ng simpatya sa maraming netizens, Marami ang nalungkot dahil kalagayan ni manong driver.

Matapos mag viral ang post ni Lezia, nag comment ang kasamahan sa trabaho ng nasabing driver.

"He is our dear staff.. he has a very bad flu but manages to report to work, He is well known at our office as a kind, courteous, jolly, and hardworking workmate. I am proud of you Joey," Sabi ng netizen na si Cleo Angelo DelaFuente Guevarra

Post a Comment

close