Pamilyang naligaw at walang makain, taos pusong tinulungan ng security guard lalo na ng marinig niya ang kwento ng ama ng mga ito

Pamilyang naligaw at walang makain, taos pusong tinulungan ng security guard lalo na ng marinig niya ang kwento ng ama ng mga ito

Pamilyang naligaw at walang makain, taos pusong tinulungan ng security guard lalo na ng marinig niya ang kwento ng ama ng mga ito
    

Viral ngayon sa facebook ang post ng isang netizen na ito na nagngangalang Racel Diola Melargo, dahil sa nakakaantig na ginawa ng security guard na pagtulong sa mag ama na naligaw at hindi pa kumakain.

Mapapanood niyo sa video kung anong itsura nila dahil sa sobrang pagod at sobrang kalungkutan ng magaamang naliligaw. Marahil ay sa init at sa pagkalaman ng kanilang mga sikmura. May mga bata pa silang kasama kaya naman lalong nakakahabag ng damdamin.

Hindi naman napigilan ni Racel na makita na ganoong nahihirapan ang pamilya na iyon at agad niya itong nilapitan, patungo pala ang mga ito sa Lemery, Batangas

Sinabi naman ng ama ng mga bata na sila ay naglalakad lamang papuntang Lemery, Batangas dahil wala silang pera para ipang pamasahe o kahit pang bili man lang sana ng pagkain ay wala din sila. 

Naikwento din ng ama ng mga bata na sila ay nagmula pa sa Manila, ngunit dahil mali ang nasakyan nilang bus ay sa Laguna sila napadpad imbis na sa Batangas. 

Mula sa San Pablo ay nilalakad nilang pamilya ang daan hanggang sila ay nakarating na sa Tanauan Batangas, ayon pa sa ama halos tatlong araw na silang naglalakad kasama ang mga anak nito.  Pagka naman daw sila ay nakakaramdam ng gutom at uhaw ay nakikiinom na lamang sila ng tubig sa mga tindahan o karinderya, minsan nakikikain din para na lamang sa mga bata. 

Hindi naman napigilan ni Rachel ang maiyak dahil sa mga narinig niya na kwento galing sa ama ng pamilya, napakahirap naman talaga ng kanilang kalagayan at ang mga bata ay makikita mo na sobrang pagod at gutom.

Lalo pang nadurog ang puso ni Rachel ng malamang niya ang dahilan kung bakit sila pupunta ng Lemery, Batangas. Doon pala nakalibing ang yumaong ina ng mga bata. 

Hindi nagdalawang isip si Rachel na tulungan ang magaama. Binigyan niya ito ng pamasahe papuntang lemery upang makasama na ng mga bata ang yumaong ina kahit sa huling sandali. 

Binigyan niya rin ng pagkain ang pamilya at pinabaunan pa niya ang mga ito ng makakain sa biyahe. Saludo kami sayo Rachel!

Post a Comment



close