Iba't ibang reaksyon ang ipinakita ng ating mga netizens sa isang live video na nagviviral ngayon sa facebook, kung saan sinugod ng isang babae ang nagtitinda sa isang ihawan na nasa harap ng kanilang tahanan.
Hindi naging madali ang buhay dahil sa umiiral na pandemya lalo na at marami ang mga Pilipino ang nawalan ng trabaho at mga pinagkakakitaan. Kaya naman marami sa ating ang gumawa ng paraan upang kahit papano ay kumita tayo ng pera para lang mabuhay sa pang araw araw.
Nagreklamo ang babae na perwisyo daw ang negosyo ng kanyang kapitbahay dahil sa usok na kanilang nalalanghap araw araw.
"Ayaw nyo talagang tumigil ah? Pwede kayo magtinda, hindi ko kayo pinipigilan magnegosyo pero wag kayo mamerwisyo ng iba. Nakakaperwisyo yung usok ninyo!," sabi ng babae.
Dali dali namang sumagot ang magkasamang vendor pero sa mahinahong paraan.
"Ito ang bumubuhay samin Maam, pasensya na po," ika naman ng tindera.
"eh sa ito lang po ang alam namin," dagdag pa ng isang kasamang tindera
Hindi naman nagpapigil ang babae at patuloy padin ito sa pakikipagdiskusyunan sa mga tindera.
"Yang ginagawa ninyo, pinopullute nyo ang air namin.. Ikaw kaya pat@yin ko, pinapat@y nyo kami sa ginagawa niyo," Ika naman ng babaeng sumugod.
"Okay lang naman magnegosyo kayo dyan wag lang kayong mamerwisyo." pagdadagdag diin pa ng babae.
Iba iba naman ang naging komento ng mga netizen dito.
Edgie Gloria isa sa nagbigay ng komento ukol sa nangyari.
"Kasi maliit lang siguro ang puhunan ng nagtitinda. Diba nga dyan lang nila kinukuha yung pambili ng pagkain nila sa pang araw araw.
PANOORIN ANG BUONG VIDEO:
Anong masasabi tungkol dito? Magcomment lamang sa ibaba.
napa delicadang babae ang layo ng bahay niya sa nag titinda dapat unawain na lang sana yun naman ang hanapbuhay na alam nila kesa naman gumawa ng masama haaay naku walang awa
ReplyDeleteKaramihan s may pera MATAPOBRE.akala mo kng sno.pre preho Lang nmn Tau ng knakain.
ReplyDeleteTrueee...
DeleteMay mga sakit ang mga tao sa bahay na yan. Kakagaling lang sa hospital ng mag asawa. May anak na minor na lagi lang nakatambay mismo sa terrace na yan. Yang nagtitinda na yan ay bagong bagong salta sa lugar na yan. Nagrerenta lang. Ano mas importante kalusugan or negosyo? Kaya ba ng negosyante na yan sagutin ang komplekasyon na dulot nya sa kapitbahay nila?
ReplyDeleteMabuti sana kung minsan lang mag ihaw2. Imagine from then on araw2 mo na malalanghap ang usok na yan. Maraming pwedeng negosyo na hindi nakakasira ng ibang tao. At hindi commercial ang lugar na yan residential.
ReplyDeleteMy pinag-aralan Ang matandang yn marunong cia mag English ehh..kaso sa talampakan nilagay Ang pinag aralan,hndi marunong umintindi sa sitwasyon ng mga mahihirap...sna ikaw nalang nag provide ng pagkain nila everyday...
ReplyDeletepinagsabihan na sila ng ilang beses kya lng ignore nila.kaht ako pag araw araw yan ang nalalanghap ko magrereklamo din ako kesa magkasakit buong pamilya ko..ok lng po maghanap buhay basta d nakakaperwisyo.
Deletepara sa akin po may punto nmn po yung nag reklamo. Hindi talaga maiwasan na malanghap nila ang usok galing dun sa ihawan hindi po natin alam na baka yung nakatira doon may matanda o d kaya may asthma. Hindi po siya magrereklamo kung hindi sila na perwisyo nang usok.Kung magreklamo sa brgy yan dehado pa yung tindera kase walang business permit. Sa kabilang banda nmn dapat mas maging maunawain tayo sa mga bagay2x yung tindera ay doon sila kumukuha nang pang araw2x nilang gastusin maawa din tayo kase may pandemya ngayon. pag usapan nlng hanapan nang mas maayos na solution. para dun sa nag reklamo tulungon nyo po sila mag hanap nang solution wag po yung solution na mag tinda nang iba eh yun lang daw po yung alam nila.para win2x po lahat. maraming salamat po
ReplyDelete