Foreigner na pumunta ng Pilipinas para sa isang Pinay, sa Kalsada humantong dahil naubos ang pera

Foreigner na pumunta ng Pilipinas para sa isang Pinay, sa Kalsada humantong dahil naubos ang pera

Foreigner na pumunta ng Pilipinas para sa isang Pinay, sa Kalsada humantong dahil naubos ang pera

May Isang netizen na mula sa laguna ang gustong manawagan sa social media para kanyang matulungan ang isang dayuhan na iniwan pala ng kanyang naging karelasyon at isa itong Pinay, kinuha ng Pinay ang pera nito at saka umalis.

Sabi sa post sa facebook account ni Sandrix Lita, ang foreigner na si Arthur Ernest ay taga london at siya ngayon ay pagala gala na lamang sa Halang Canlalay Binan, Laguna.

Si Arthur Ernest ay nakikitulog nalang at minsan ay sa ilalim lang ng puno sa tabi ng covered court sa Halang Canlalay Binan, inaabutan na lamang siya ng tulong ng mga taong naaawa sa kanya pag ang mga ito ay napapadaan.

Mayroon din namang nagbibigay sa kanya ng bigas pero dahil wala siyang gamit tulad ng kalan at mga kasangkapan tulad ng kaldero ay hindi niya ito mailuto at pinamimigay niya rin. Si Arthur ay mayroon ding iniinda na Diabetes.

Kahit maraming nangyaring hindi maganda kay Arthur habang narito siya sa Pilipinas ay masiya parin siya dahil mayroon pading mga taong tumutulong sa kanya.

"Mabait po siya kahit niloko na sya ng asawa niya, nakukuha pa din siya sa mga Pilipino dahil matulungin ang mga ito, at sa kabila ng kanyang Diabetes ay masayahin parin siya.." Sabi ni Sandrix Lita sa kanyang post.

"Tuwing Umaga naman po ay nakatambay siya sa harap ng gasolinahan ng irenevill. Paki share na lang po para matulungan ng kinauukulan at makarating ito kay Idol Raffy." Ayon naman ito sa isa pang citizen

Isa lamang si Arthur Ernest sa madaming dayuhan na nakadanas ng mga panloloko matapos umalis sa kanilang bansa at makipagsapalaran kasama ang akala nilang iniibig sila at ang akala nilang kasama nila hanggang sa pagtanda.

May katulad din si Arthur Ernest at Iniwan din siya ng kanyang kasintahan sa Pinas at siya naman ay taga Denmark.

Sa isang post ni Judy Ann Cinco, Si Solager Holger naman ay pumunta naman Pilipinas upang magpakasal na sa kanyang Pinay na nobya pero sa kasamaan palad ay pagkatapos lamang ng isang taon ay inubos ng kanyang nobya ang mga pera ni Solager at iniwan din ito.

"Pumunta isya dito sa Pinas upang pakasalan ang nobya niyang Pinay pero makalipas lang ang isang taon ay naubos na agad nito ang pera niya at saka siya iniwan, may mga pinapagawa pa itong foreigner na bahay pero malaman laman niya lang na hindi pala sa kanya nakapangalan ang bahay at pinalayas na siya ng Pinay girlfriend, Sa north Cotabato naman nakatira ang pinay na naging nobya niya, apat na araw na pala stranded sa Airport dahil wala siyang pang swab test at wala ring Travel Pass, dagdag pa dito ang walang kapera pera niyang bulsa kahit piso kaya naiwan sya ng Flight nya pauwi sanang denmark" Ito ay post ng isang concern citizen.

Nakailang subok na din si Solager na humingi ng tulong sa kanilang embassy ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya nito tinulungan at pinalabas lang siya nito. Siya ngayon ay natutulog sa kalsada.

May nagkwento pa na isang netizen na may mga kabataan na nagoffer ng tulong dito kay Solager at pinagamit siya ng gadget para maka contact siya ng kanyang kamag-anak sa ibang bansa at siya ay tulungan ngunit hindi pala pag tulong ang pakay sa kanya kundi pagnanakaw din.

"Ngayon ay nandoon padin siya sa Airport at naghihintay ng tutulong sa kanya, paki share nalang po natin para makarating kay Idol Raffy o kaya sa ating kinauukulan para siya ay matulungan na agad." Dagdag pa ng isang concern netizen.

Post a Comment

close