Sundalo na Nasabugan sa Gyera ng Marawi, hinihiling na Mapaayos ang kanyang Mukha

Sundalo na Nasabugan sa Gyera ng Marawi, hinihiling na Mapaayos ang kanyang Mukha

Sundalo na Nasabugan sa Gyera ng Marawi, hinihiling na Mapaayos ang kanyang Mukha

 


Maalala natin na ang Battle of Marawi na halos umabot ng kalahating taon bago matapos at ito ang tinaguriang urban battle sa ating kasaysayang. Marawi War ay ang gyera sa gitna ng gobyerno at mga rebeldeng grupo na naghahasik ng kasamaan sa Lanao Del Sur noon pang May 23,2017

Napakadaming nagbuwis ng buhay at marami pading mga sundali ang nagpapagaling pa sa mga ospital hanggang sa ngayon. Unti unti ay pinipilit bumangon ulit ng Marawi, kasabay ng pagbangon na ito ay ang pagbangon din ng mga ating sundali na higit na naapektuhan sa naganap na gyera, isa na dito si Staff Sergeant Sammy Galapon ng Barangay 18.

Alaala ng Gyera

Sa isang interview kay Sammy Galapon sinabi niya ang kanyang higit na pasasalamat dahil sa kabila ng madugong labanan ay narito siya at nananatiling buhay. Ngunit hindi lamang pala sa isip at puso niya nakatatak ang nangyaring gyera kundi nagiwan din ito nag sugat sa kanyang muka na naging malaking nagpabago sa kanyang buhay. 

Hiling ni Sergeant Galapon

Si Sergeant Sammy Galapon ay tinamaan ng improvised explosive device sa kanyang muka habang siya ay nakikipag bakbakan sa mga kalabang maute group. Dahil dito ay naapektuhan ang kanyang mata at nabulag, pati ang kanyang panga ay naapektuhan din. Hindi sya ngayon makakain ng maayos sapagkat nahihirapan ito sa kanyang kalagayan. Ang kanyang hiling ay

"Sana maayos na itong panga ko para makakain na ako ng maayos."
Nakatanggap man siya ng tulong mula sa ating gobyerno ay hindi nagiging sapat para maipagamot niya ang kanyang panga dahilan narin nang pagkukulang sa pangaraw araw. Sa ngayon ay tumigil na muna si Sammy Galapon sa kanyang pagseserbisyo at namumuhay siya sa pinagawa niyang duyan. Sa oras na siya ay gumaling ay babalik din siya sa kanyang pagseserbisyo bilang sundalo.

Mensahe ni Sergeant Sammy Galapon sa Pangulo

Hinihiling ni Sergeant Sammy Galapon na sana siya ay madalaw ng Pangulo Rodrigo Duterte pati na din ang kanyang mga kasamahan na magpahanggang ngayon ay nagpapagaling pa din sa mga ospital.

Bayani ng lahat

Ang ating mga sundalo ang tunay na bayani ng ating bayan, sila ang nakikipaglaban at nagbubuwis ng buhay para sa ating lahat para maprotektahan tayo laban sa mga masasamang loob at sila nag nagpapanatiling mapayapa ang ating bayan hanggang ngayon. Sabay sabay natin silang saluduhan.

Post a Comment

close