Sadya ngang hindi madali ang maghanap ng trabaho may pand3mya man o wala. Sabi nila kung ikaw ay nakapagtapos ng pag aaral ay madali ka na lang makakapasok sa trabahong gusto mo. Ngunit hindi ito ang realidad ng mundo. Nakapag tapos ka man o hindi ay mahirap pa rin talaga ang maghanap ng trabaho lalo na ngayon na sinubok tayo ng matinding p4nd3mya.
Ngunit hindi ito ang dahilan upang ikaw ay sumuko sa buhay. Katulad na lamang ng isang ama na todo ang suporta sa kaniyang anak na naghahanap ng trabaho sa kabila ng kapans4nan nito. Isang head teacher sa pampublikong paaralan ang nagbahagi ng kwentong ito.
Marami ang naantig sa pagdedetalye ni Zaldy Ordiales Bueno tungkol sa mag amang nakasalamuha niya sa isang "Job Interview".
Ang aplikanteng si Edwin Garin, 50-anyos na mula sa Atimonan ang bida sa kwentong idinetalye ni Sir Zaldy. Ayon sa pagdedetalye ay nahinto ng pag-aaral si Edwin mula ng ito ay maaksid3nt3. Ito ang dahilan kung bakit noong 2019 lang niya nagawang makapagtapos ng pag-aaral.
"Na delay po ang pag-aaral ko ng dahil sa aksid3nt3, kaya po ako ay naka wheelchair ngayon. Mabuti nalang po ay nakapag- ALS ako noong 2014 at nakapasa sa test at ako po ay naka graduate ng High School noong 2015".
"Sa kagustuhan ko pong matupad ang mga pangarap ko ay nag College po ako sir. Nag Education at nakapasa po ako sa LET noong 2019. Sumusubok po akong mag apply ngayon para makatulong sa magulang ko".
Anim (6) na taon na umano siyang matiyagang tinutulak at sinasamahan ng kaniyang ama na may edad na 75 anyos. Kung kaya ang tanging nais nalang din niya ay ang masuportahan ang kaniyang magulang. Ito din ang kasama niyang umaasa na balang araw ay maging isang ganap na guro na talaga siya.
Dahil sa nakakaantig na kwento at ipinakitang dedikasyon ni edwin ay personal na inirekomenda ni Sir Zaldy ang pangalan ng kaniyang aplikante sa ibang paaralan na naghahanap ng punong guro.
Nag iwan naman ng isang paalala ang punong guro mula sa kaniyang nasaksihan. Ayon sa kanya :
"Sa mga kabataang malakas pa sa kalabaw? at wala namang mga kap4nsanan.
"Sino TAYO para SUMUKO?
"Sino TAYO para BUMITAW?
"Na sa mga h4mon ng Buhay,
"SINO TAYO PARA UMAYAW?"
Sadya ngang mahirap ang makahanap ng trabahong papasukan, ngunit higit na mahirap lamang ito sa mga taong walang pangarap at dedikasyon sa buhay. Sa mga taong konting hirap lamang ay bumibitaw na agad sa bagay na gusto niyang makamtan. Mahirap ang maghanap ng trabaho ngunit mas mahirap ang umasa nalang sa ibang tao para ikaw ay mabuhay.
Kaya kung ikaw ay isa sa mga taong walang trabaho ngayon at pinanghihinaan na ng loob sa buhay. Subukan mong irelate ang buhay mo kay Edwin at gawin mong inspirasyon ang kwento niya para ikaw ay makabangon.
Post a Comment