20-pesos ng simpleng maybahay naging P401-Milyon pesos, Paano nangyari ito?

20-pesos ng simpleng maybahay naging P401-Milyon pesos, Paano nangyari ito?

20-pesos ng simpleng maybahay naging P401-Milyon pesos, Paano nangyari ito?

Isa ka rin ba sa mga taong sumusugal sa salitang "SWERTE"?

Katulad na lamang ng isang maybahay mula Ilo-Ilo na simula pa daw noong 2016 ay hindi na ito tumataya ng lotto ngunit nitong nakaraan lamang ay muli niyang sinubukan ang kaniyang swerte matapos ang mahigit na 7 taon na hindi pagtaya.

"Sabi po ng asawa ko try ko daw po tumaya ng isa lang na lucky pick para maiba naman. Kung swerte ka talaga mananalo ka kahit LP(LUCKY PICK)."

Noon ngang July 9,2022 mula sa P20 niyang taya sa Grand Lotto 6/55 ay maswerteng niyang napanalunan ng walang kahati ang Jackpot prize na nagkaka-halaga lang naman ng P401,186,804.80, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang maswerteng mga kombinasyon na numero na nagpanalo sa ginang ay ang mga numero na mula sa "LUCKY PICK" kung saan ang system mismo ang mamimili ng mga numero na iyong tatayaan. Maswerte na ang lucky pick numbers na 02-18-49-07-19-47 ang naging winning combination.

Kwento pa ng maybahay na nanalo ay hindi naman daw talaga siya nataya na ng lotto ngunit sinubukan niya lamang daw tumaya ulit ng marinig niya ang katagang "KUNG PARA SAYO PARA SAYO, KAHIT ILANG BESES KA PA BUMALIK DITO KUNG DI LOLOOB NG DIYOS NA MANALO KA, DI KA MANANALO" mula sa isang mananaya din ng lotto.

Nakuha na umano ng Ginang ang kaniyang napanalunan sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City, ayon sa inilabas na pahayag ng PCSO.

Bukod sa sayang naramdaman ng ginang at ng asawa nito ay natakot din daw sila para sa kanilang seguridad dahil sa malaking premyo na kanilang napanalunan.

Plano naman umano ng Ginang na magtayo ng mapagkaka-kitaang negosyo at magbahagi ng donasyon sa simbahan at ilan pang mga organisasyon na tumutulong sa mga taong nangangailangan.

Karamihan naman ng mga taga Ilo-Ilo ang humihirit ng balato sa kanilang kababayan na Ilonggo na ngayon ay INSTANT MILYONARYA na dahil sa SWERTE.

Araw -araw ay maraming Pilipino ang nagbabakasakali na swertehing manalo sa Lotto,kahit na mukang imposible na makuha ng tama ang mga kombinasyon dahil na din sa dami ng numero ay inilalaban parin. Sino bang mag-aakala na baka bukas ay ikaw naman ang maswerteng manalo ng Milyones na halaga mula sa Lotto.

Post a Comment



close