Anak, napaluha nalang ng malaman ang dahilan kung bakit hindi nasabay sa kanila ang kanilang ama sa pagkain

Anak, napaluha nalang ng malaman ang dahilan kung bakit hindi nasabay sa kanila ang kanilang ama sa pagkain

Anak, napaluha nalang ng malaman ang dahilan kung bakit hindi nasabay sa kanila ang kanilang ama sa pagkain

Nag viral ang video ng isang ama na kung saan ito ay kumakain mag-isa na tanging bagoong na may sibuyas at toyo lang ang ulam.

Naantig ang puso ni Aldi Relqno ng madiskubre niya ang sikreto ng kaniyang ama. Hindi daw ito umano sumasabay ng pagkain ng hapunan sa kanilang magkakapatid at lagi lang nitong sinasabi sa kanila na ito ay busog pa. Kaya madalas ay hindi ito nasabay sa kanila.

Dahil dito ay nagduda si Aldi kung kaya naman ay minanmanan niya ang kaniyang tatay. At isang gabi nga ay napag alaman niya na sa tuwing dis oras pala ng gabi ay kumakain ito ng mag-isa. Kinuhanan ni Aldi ng video ang tagpong iyon upang maibahagi niya sa social media ang sakripisyong ginagawa ng kanilang ama para sa kanila. Para daw makakain silang magkakapatid ng maayos ay pinapaubaya ng lang ng kanilang ama ang ulam nito para sa kanilang magkakapatid.

Kwento ni Aldi ay nabangga ang kaniyang tatay noong Marso, at dahil sa aksidenteng iyon ay napilay ang kanilang ama. Nakikita at nararamdaman nila ang hirap nito sa paglalakad ngunit ni isang reklamong ay wala silang narinig mula sa kanilang ama.

Kung kaya ay nadurog ang kaniyang puso ng madiskubre niya ang sakripisyong ginagawa nito para sa kanila. Nagtitiis ito sa ulam na bagong na may sibuyas at kanin na may toyo.

Dahil dito ay buong puso niyang pinagmalaki sa buong mundo sa pamamagitan ng social media ang sakrispisyo ng kanilang ama para sa kanilang pamilya. Aniya pa ay ramdam na ramdam niya ngayon ang sobrang pagmamahal ng kanilang ama para sa kanila.

Maraming tao ang naantig sa videong ibinahagi ni Aldi sa social media. Marami din ang magulang na nakarelate sa sakripisyo ng kanilang ama dahil di umano ay lahat ng magulang ay gagawin at kakayanin ang lahat ng sakripisyo para sa kanilang mga anak.

Narito ang kabuuan ng kaniyang post:

        ANG TATAY KO NA PALIHIM KUNG KUMAIN

    "Ganito pala ang ginagawa ni papa pag tulog na kaming lahat, kumakain siya sa hating gabi. Tuwing hapunan hindi siya nasabay sa amin laging tapos na o busog pa daw siya. Kung kaya kapag kakain na kami ay siya lang ang wala, yun pala ay sa hating gabi siya kumakain. Pinapaubaya pala niya sa amin ang ulam na dapat ay sakaniya.

    Lagi siya ng bumabangon tuwing ganitong oras pero hinahayaan ko lang, ngunit nung nakaraang gabi ay sinundan ko siya ng hindi niya alam. Tumulo ang luha ko ng makita ko siya na kumakain na ang ulam lang ay bagoong at sibuyas. Kinuhanan ko siya ng video ng palihim para maipost ko sa aking social media account.

    Nas@gas4an kasi ng truck si papa noong March 18,2021 na hanggang sa ngayon ay wala pa ring nangyayari sa kaniyang k4so. Sa pagkakaalam ko ay hindi pa ito tapos hanggang sa ngayon kahit anim na buwan ang nakakaraan. Halata ko kay papa na hirap siyang kumilos dahil sa kaniyang pilay ngunit hindi niya ito pinahahalata sa amin magkakapatid.

    Sobrang naaawa na po ako sa aking ama , ako man din ay hindi na makapag enroll sa college dahil walang pera dahil sa hindi na makapag trabaho si papa. Dahil sa aksid3nteng nangyari kay papa ay malabo na po siyang makabalik dahil bali ang kaniyang kanang kamay, siya po ay isang OFW. Maraming salamat po sana ay matulungan ninyo po kami, ang hangad po namin ay HUSTISYA hindi PERA."

Post a Comment



close