Palaboy binilhan ng damit at binihisan ng walang pagaalinlangan

Palaboy binilhan ng damit at binihisan ng walang pagaalinlangan

Palaboy binilhan ng damit at binihisan ng walang pagaalinlangan

Lubhang nakakahanga ang mga taong kahit sa simple o maliit na bagay ay handang tumulong sa mga taong nangangailangan. Hindi nakabase sa estado ng buhay ang pagtulong sa kapwa.

Katulad nalang ng larawan na ibinahagi ni LJ Adop sa kaniyang social media. Ito ay larawan ng isang lalaki na makikitang binibihisan ang isang palaboy na lalaki.

Ang lalaki sa larawan ay kinilalang si Wilfredo Aquino na kapares ni LJ. 

Kwento ni LJ ay paalis diumano sila ng makita nila ang isang palaboy na mukhang may s4k!t sa pag iisip. Pinagtatawan umano ito ng mga taong dumadaan at nakakakita sa kaniya, Ngunit imbis na tumulad sila LJ sa mga tao ay nagulat siya ng biglang magtanong si Wilfredo sakaniya kung mayroong malapit na mabibilihan ng ukay-ukay.

Dahil sa tagpong nakita ni Wilfredo ay naawa ito sa palaboy kung kaya't nagtanong ito ng malapit na ukay-ukay ay upang mabilihan nila ito ng damit na maisusuot.

Mabuti na lang daw ay may nakita sila na malapit na ukay-ukay at doon ay mabilis sila na nakabili.

Makikita sa larawan na mismong si Wilfredo pa ang tumulong sa palaboy na maisuot ang biniling mga damit. Ayon kay Wilfredo ay ginawa niya ito upang hindi na pagtawanan ng mga taong dumadaan ang nasabing palaboy.

Narito ang nasabing post:

Kanina habang paalis kami,
Me: Posh may nakita akong lalaki naka hub4d as in walang damit.
Me: Ayan siya posh oh
Posh : Wait posh bilhan natin damit san meron bilihan ukay lang, nakakaawa naman pinagtatawanan.
"Buti nalang at may malapit a ukay store . Thank yoou Posh napakabait mo talaga Wilfredo Aquino".

Marami naman ang humanga sa pagmamalasakit ng lalaki sa palaboy at may mgha nagsabi pa na hindi nahiya at nandiring tumulong sa isang palaboy.

Post a Comment

close