Lumpia vendor, kumikita umano ng P20,000 kada linggo ayon mismo sa kanya

Lumpia vendor, kumikita umano ng P20,000 kada linggo ayon mismo sa kanya

Lumpia vendor, kumikita umano ng P20,000 kada linggo ayon mismo sa kanya

Kung Gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan. Marming paraan para kumita ng pera kailangan lamang ay determinasyon, sipag, diskarte at higit sa lahat ay ang pananalig sa Panginoon.

Tulad na lang ng isang lumpia vendor na nagviral sa Social media, ibinahagi nito ang nadiskubre niyang diskarte para maging malaki ang kita sa pagtitinda ng lumpia sa kalsada.

Ayon kay Jomer na siyang nagbahagi ng kwento sa social media, habang nasa daan siya ay bumili siya sa isang lumpia vendor ng paninda nito at di naiwasang makipag kuwentuhan at magtanong ng ilang bagay tungkol sa pagtitinda nito.

Kwento daw sakaniya ni Manong vendor sa isang araw daw ay nakakaubos siya ng 600 piraso ng lumpia at sinabi rin nito na mabilis lang daw ito maubos dahil sa gustong-gusto daw ng mga bumibili ang tinda nitong lumpia.

20 pesos kada 3 piraso ang benta ni manong sa tinda nitong lumpia, kaya kung bibilangin ay umaabot ng 4,000 pesos kada araw ang kaniyang kinikita kapag naubos ang 600 pirasong lumpia at aabot naman sa 28,000 pesos sa loob ng isang linggo at posibleng aabutin ng 112,000 pesos sa isang buwan ang kaniyang kikitain sa panindang lumpia.

Sino ba naman ang hindi magugulat sa kinikita ni Manong kung titignan ay daig pa niya ang isang empleyado na nagtatrabaho sa isang opisina.

May mga nagkomento naman sa post na ito na sa mga kinikita daw ay hindi pa daw isinasama ang mga nagamit sa pag gawa ng lumpia. Ngunit kung iisipin ay hindi naman ganun kalaki ang nagagastos sa pag gawa ng lumpia at bukod don ay hawak mo pa ang iyong oras at ikaw ang boss sa trabahong ito.

Marami rin ang mga nagkomento narito ang ilan:

"Oo malaki nga ang kita pero siyempre meron pa diyan gastos sa gas,mantika,gukay wraper pero ayos din yan atleast kumikita diba mga sir,"

"The labor is hard. I hate making it and cooking it. I'd rather buy."

"Kahit ano pa ang sabihin ng iba kesyo marami pa kailangan bilhin bago makapagtinda niyan gastos dito gastos don, suma total kumikita si kuya yon ang mahalag. Godbless Kuya."

Post a Comment

close