90 year old na lola pinagkakasya ang kaunting ulam sa ilang araw para makaraos sa kagutuman, dinagsa ng tulong

90 year old na lola pinagkakasya ang kaunting ulam sa ilang araw para makaraos sa kagutuman, dinagsa ng tulong

90 year old na lola pinagkakasya ang kaunting ulam sa ilang araw para makaraos sa kagutuman, dinagsa ng tulong

Mabilis na kumalat sa social media ang isang post tungkol sa lola na tinitipid ang natitirang ulam ng ilang araw. Ang nasabing lola ay kinilala bilang si Lola Lucena"Lola Lusing" 90 years old at nakatira sa Baranggay Damiano na tubong Brgy. Maananteng, Solsona, Ilocos Norte.

Ang nagbahagi ng nasabing mga larawan ni lola ay si Jun Batac , siya daw ay lubos na nag aalala sa kalagayan ni Lola Lusing kung kaya't minarapat niya na ishare ito sa social media upang magbakasakali na may mag abot ng tulong kay lola. At madami nga ang napukaw ang puso sa ginawang post ni Jun.

Si Lola ay namumulot lamang ng kaniyang makakain, at ang ulam na matitira ay itinatabi niya para pagkasyahin sa buong araw. Naghihintay lamang din siya ng pagkain na ibibigay sa kaniya ng kaniyang mga kalapit bahay.

Si Lola Lusing ay mag isa lamang sa buhay kung kaya naman sa kabila ng kaniyang edad ay wala siyang pagpipilian kundi ang magtiis na humanap ng paraan upang makakain at makaraos sa pang araw araw na buhay.

Kumalat sa social media ang mga larawang ito ni Lola Lusing. Madami naman ang naantig at naawa sa kalagayan ng lola, Isa na rito si Ma'am Rona na mula sa Pasuquin, Ilocos Norte na agad na nag abot ng tulong para kay lola.

Sa tulong ng Solsona MPS ay natunton nila ang kinaroroonan ni Lola Lusing. Personal nilang inabot ang kanilang tulong kay Lola na nagbigay ng napakalaking ngiti sa labi ng matanda.

Marami din ang nagpaabot ng tulong kay lola at makikita sa larawan na napakaraming groceries at kagamitan ang natanggap ni lola mula sa mga taong may mabubuting loob.

Post a Comment

close